Baka raw maapektuhan ang boses
Angeline Quinto, natakot iparetoke ang ilong

MASAYANG IBINALITA sa amin ni Angeline Quinto na malapit-lapit nang magawa ang ipinapatayo n’yang bahay sa Commonwealth area sa Quezon City nang makatsikahan namin ang singer sa compound ng ABS-CBN last Tuesday night.

Sa condo unit n’ya pa rin na nabili n’ya kay Kris Aquino, malapit sa ABS, nakatira si Angeline kasama ang kanyang ina.

Sa ngayon, inuumpisahan na raw ng young singer ang kanyang third album under Star Records na may walong kanta. Anim daw ang original composition at dalawa naman ang revival.

Isa sa dalawang revival songs daw ay ang original song ng kanyang idolo na si Regine Velaquez na Babalikang Muli.

Last month daw ay nag-attend si Angeline ng Bible study sa bahay nina Regine at mister nitong si Ogie Alcasid kasama kanyang close friend ngayon na si Erik Santos.

Noon ay balak sanang ipaayos nang konti ni Angeline ang magkabilang gilid ng kanyang ilong, kahit matangos na ito, kay Dra. Vicki Belo, pero sinabihan daw s’ya ng Asia’s Songbird na huwag na n’yang ipagalaw, dahil baka maapektuhan pa ang kanyang magandang boses.

Kahit daw kasi na magkabilang gilid lang ng ilong n’ya ang aayusin, baka kailanganing galawin pa rin daw at may ipasok sa bridge ng kanyang ilong kung kaya’t ayaw nang ipa-enhance pa ito ni Angeline.

Maaaring ang mga talukap ng lang ng kanyang mga mata ang ipaayos n’ya kung sakali para hindi na raw mukhang malungkot ang mga ito.

Sinabi namin kay Angeline na napansin namin na nadadalas ang cameo role n’ya sa mga pelikula ng Star Cinema, gaya ng sa Four Sisters and A Wedding at sa Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?

Oo nga raw, sagot ng dalaga. Pero ngayon daw ay gusto n’yang mag-concentrate sa pagkanta, kaya inuumpisahan n’ya na raw ang pag-record nga ng kanyang susunod na album at marami s’yang mga corporate shows at out-of-town at out-of-the-country shows.

Sa gaganaping Star Magic Ball tomorrow, Saturday, si Erik pa rin daw ang escort ni Angeline, kaya biniro namin s’ya na baka dumating ang panahon na ligawan na s’ya ng una.

Binibiro nga raw s’ya ni Erik na bukod sa magkaapelyido sila ni Rufa Mae Quinto na ex-girlfriend ng male singer, pareho pa raw sila na malaki ang boobs.

Matalik na kaibigan lang daw ang tingin nila ni Erik sa isa’t isa, sey ni Angeline.

 

MASAYA SI Ai-Ai delas Alas, dahil ngayong buwan ng September ay parte pa rin s’ya ng sitcom na Toda Max with Angel Locsin and Vhong Navarro.

Nu’ng una kasi ay sa lahat ng Sabado nu’ng August lang mapapanood ang Comedy Queen, pero sabi nga ng production manager ng nasabing sitcom na si Cynthia ‘Mama Bear” Jourdan, hangga’t gusto raw ni Ai-Ai ay okey lang sa kanila.

Excited naman ang komedyana sa showing ng kanyang ipinagmamalaking pelikula with Marian Rivera na Kung Fu Divas sa darating na October 5 (2013).

Pareho raw silang co-producer ng reigning queen ng GMA-7 na si Marian together with its director Onat Diaz, Reality Entertainment and Star Cinema.

Wala namang nasabi na hindi maganda si Ai-Ai sa sinabi ng isa sa itinuturing n’yang best friend na si Eugene Domingo sa presscon ng Momzillas last Tuesday afternoon na ‘the original Comedy Queen is back” na pagtukoy sa Diamond Star na si Maricel Soriano na kasama nito sa pelikula.

Mga tao naman daw ang nagbibigay ng titulo sa mga artista, ayon kay Ai-Ai.

Mula Comedy Concert Queen kasi ay tinagurian nang Comedy Queen ang Tanging Ina herself.

Kung hindi rin kami nagkakamali ay bago bansagang Diamond Star si Inay Marya ay tinawag ito noon na Taray Queen, dahil sa pagiging outspoken nga nito nu’ng araw.

Although, mahusay rin talaga sa pagpapatawa si Maricel noon pa man, bukod sa drama.

Ganu’n pa man, mataas daw ang respeto ni Ai-Ai kay Maricel.

 

Personal: Happy birthday to my dearest youngest sister, Tara Fonseca Simeon, today!

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

8 thoughts on “Baka raw maapektuhan ang boses
Angeline Quinto, natakot iparetoke ang ilong

  1. Sing ka na lng iha wag na akting please at sana may magturo sa yo kung paano sumagot ng maayos para kasing walang breeding e at wag assumera ha hanggat di nagsasabi sa yo na gusto k nya wag mag assume

  2. siguro naapektuhan ang boses ni songbird nung magpatangos sya ng ilong kaya niya nasabi kay angeline na wag ng ipagalaw ang ilong.

  3. Gusto ko si Angeline. Transparent siya. Nakakatuwa. Pati boobs niya, walang kiyemeng ikinuwento ang sinabi ni Erik. She is also on the right track. May condo na, may pangalawang bahay pa. She;s new in the industry but it looks like she is very responsible when it comes to her finances. Dapat ang mga batang kauumpisa lang sa industry, tularan siya para hindi masayang ang kanilang pinaghirapan.

  4. KATULAD NA RIN NI GRETCHEN SI RUFFA. MAS GUSTO KO ANG MUKHA NI GRETCH NUNG WALA PANG RETOKE ANG KANYANG MUKHA. PERO NGAYON, AKALA MO ISA SYANG MODELO SA WAX MUSEUM.

  5. Oo nga naman, huwag nang galawin ang bigay sa yo ng Diyos, baka masira pa yong magandang boses mo at baka maiba pa yong mukha mo kagaya nina Ruffa at Jinky.  Si Ruffa, ang ganda ng mukha niya in the past pero nang nakita ko siya lately sa The Buzz, Oh my gosh na shock talaga ako sa kanyang mukha, parang may plastic surgery na, parang she looks like a transvestite na, parang hindi na ito natural lady tingnan.  Parang sa tingin ko may pinagawa ito para magmukhang Kim Kardashian kasi in some angles, parang may pagka Kim ang dating.  Di ba ang tagal nang nawala ni Ruffa pagkatapos bigla na lang sumulpot sa The Buzz at sinabing she was studying abroad ba yun?  Hmmmmm , possibleng she went under the knife abroad.  Guess lang naman.

Leave a Reply

Your email address will not be published.