Baka raw isipin na ganu’n lahat ng EB Babes
Lian Paz, disappointed kay Yosh sa sex video scandal

DIRETSAHAN ANG reaksiyon ni Lian Paz na sobrang disappointed daw siya hinggil sa kontrobersiyang nilikha ng video scandal nina Wally Bayola at EB Babes member na si Yosh Rivera.

“Kahit hindi na ako part ng EB Babes, parang nakaka-hurt lang,” aniya nga nang makausap namin kamakailan sa presscon ng bagong primetime series ng GMA-7 na Prinsesa Ng Buhay Ko, kung saan isa siya sa support ng balik-tambalang sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

“And seven years na po ‘yong grupo ng EB Babes. Ngayon lang po may lumabas na gano’ng klaseng issue. Although hindi po kami magkakilala ni Yosh. Hindi po kami nag-abot sa Eat Bulaga.”

At dahil sa sex video scandal ngang iyon, hindi tuloy maiwasang may mag-isip na baka ‘yong ibang miyembro o naging miyembro dati ng EB Babes ay may gano’n din.

“Yes. Exactly. Opo. Kaya nga po nakalulungkot talaga.”

Bilang babae, ano ba ang naging pakiramdam niya hinggil sa kumalat na sex video diumano nga nina Wally at Yosh?

“Frankly speaking, I don’t have any pity for her. Kasi not for anything, may asawa po kasing tao si Kuya Wally, eh. ‘Di ba?”

Napanood ba niya ‘yong video?

“Tiningnan ko lang naman po! Hindi ko naman po tinapos. Ano po kasi… kaibigan ko po si Kuya Wally. Nagkasama po kami sa Eat Bulaga. So, parang hindi ko po talaga kayang tingnan.”

Wala pa rin siyang boyfriend bilang kapalit ni Paolo Contis sa puso niya. Pero aminado si Lian na meron siyang isang masugid na manliligaw nga sa ngayon na isang businessman.

“Si John Cabahug po. Taga-Cebu po siya. Old friend ko po siya. Classmate ko siya mula grade school hanggang high school. So, nagkakita kami ulit sa Cebu. Sa kanila kasi ‘yong Skinmate. Kinuha niya akong endorser. Sa Cebu po siya naka-base. Pero pumupunta siya sa Manila kung minsan kasi may office din sila rito. Nagkikita kami kapag nandito siya.”

Six months na raw nanliligaw sa kanya ito. Pero kinikilatis muna raw niyang mabuti.

“Opo. Sa totoo lang, medyo mataas na po ang expectation ko siyempre sa pag-ibig ngayon. Dahil hindi lang ikaw ang mamahalin, eh. Siyempre nandiyan ang mga anak ko, ‘di ba?

“At feeling ko, kaya naman niyang mahalin ang mga anak ko. Kasi may anak din siya. Babae rin. Seven years old na. Single dad siya. Kapag sinagot ko siya, diretso na sa kasal!” natawang sabi ni Lian.

Hindi pa kasi annulled ang kasal nila ni Paolo. Ano na nga ba ang update tungkol dito?

“In the process na po siya. Malapit na po.”

Annullment lang ang hinihintay niya siguro bago siya muling magmahal at makipagrelasyon ulit?

“Opo. Respeto lang. ‘Di ba?”

‘Yon na!

FIRST TIME makatrabaho ni Rocco Nacino si Charie Pineda bilang kaagaw ni Lovi Poe sa kanya sa primetime series ng GMA-7 na Akin Pa Rin Ang Bukas. At balitang madali silang nagkapalagayang-loob matapos kunan ang kanilang torrid kissing scene.

“Ngayon hindi na nga kami naiilang,” pag-amin ni Rocco. “Well, ah… it paved the way to break the ic sa amin. At ngayon, close na kami. Nag-uusap na kami. Nagkukuwentuhan na.

“Ako… nag-u-open up na nga sa kanya. Siya rin sa akin. Through that scene, na-break nga ‘yong ice. Pero before no’n, siyempe may konting ano… first time naming makatrabaho ang isa’t isa kasi, eh.

“Hindi maiiwasan ‘yon. Pero siyempre, bilang mga aktor at aktres, kailangan talaga na i-work out n’yo ‘yong chemistry n’yo. And it worked!”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Baka raw isipin na ganu’n lahat ng EB Babes
Lian Paz, disappointed kay Yosh sa sex video scandal

Leave a Reply

Your email address will not be published.