Baka matulad lang kay Mariel Rodriguez Bea Alonzo, kinakabahang bigla na lang ding iwan ni Zanjoe Marudo?!

 SOBRANG MALIGAYA NGAYON ang lovelife ni Bea Alonzo dahil nasa tabi niya lagi ang kanyang karelasyong si Zanjoe Marudo. Hindi na rin biro ang hirap at kalungkutan sa buhay at mga dinaanang relasyon ng magandang aktres, kaya nagwi-wish ang mga malalapit na kaibigan ni Bea na sana ay magtagal sila ni Zanjoe. Alam kasi nilang kakaiba ngayon ang kulay ng mundo ni Bea dahil sa matangkad na aktor. Pansinin daw na sobrang malambing at paseksi ang dating ngayon ng Kapamilya star.

Mabait daw na kaibigan si Bea, kaya masarap siyang ipagdasal na magkaroon ng magandang direksiyon ng lovelife.  Sobra na kasing nasaktan ang aktres sa naunsiyami niyang pakikipagrelasyon noon kina Mico Palanca, Jake Cuenca at Gerald Anderson. Nakakakaba rin daw kasi si Zanjoe, dahil hindi ba’t biglaan noon na nagkahiwalay sila ng ex-girlfriend niyang si Mariel Rodriguez? Parang ang lumalabas noon ay si Marudo ang nang-iwan, kaya huwag naman daw sanang mangyari iyon kay Bea.

Matiisin sa buhay si Bea, kaya good karma siya ngayon, lalo na sa showbiz career. Naranasan noon ni Bea na makitira sa kanyang lola na kasama ng isa niyang tita, kaya naranasan din niyang mag-alaga ng bata bilang pakikisama sa pinakikitirahan. Noong nag-aaral pa siya ay naranasan din niya na dalawang beses munang isuot ang palda na uniporme, bago labahan, para makatipid sa sabon. Kasi nga, para huwag na siyang makadagdag sa gastusin ng kanyang mga pinsan. Ngayon, isa na siya sa mga reyna ng ABS-CBN bilang mahusay at sikat na aktres.

 

HAPPY BIRTHDAY KAY Governor Vilma Santos-Recto. Wala siya sa Pilipinas, dahil nagbabakasyon sa ibang bansa. Kaya naman ‘yung dating nagpapasaya sa kanya na siya ay sinusurpresang batiin ng kanyang mga kaibigan at kakilala ay hindi mangyayari. Kasama niya ngayon ang kanyang husband na si Senator Ralph Recto at ang nag-iisa nilang anak na si Ryan Christian. Sobrang busy ang buhay ng kanilang pamilya, kaya itong bakasyong ito ang regalo nila sa kanilang mag-anak.

Bilang artista at pulitiko, mayroon pang mga pinapangarap na makapagpapaligaya sa kanya ang aming gobernadora sa Batangas. Gusto niyang patuloy na makapagsilbi sa mga tao, at sa kakayahan niya ay patuloy pa siyang makapagpasaya ng kanyang mahal na mga tagahanga. Kasi nga, puro na lang siya pasasalamat ngayon, dahil pakiramdam niya ay ang dami-dami na raw niyang natanggap mula sa Diyos, kaya kailangan niyang maghandog ng kanyang sarili sa kapwa.

Dahil birthday ni Ate Vi, gusto ko lang ipagpasalamat sa kanya kung ano ang mga ipinangaral niya sa akin noong baguhan pa lang ako sa pagsusulat, kung kailan isang tanghali ay nakausap ko siya sa telepono dahil sa tulong ng kanyang sister na si Ate Emelyn Santos. Iyon din ang panahon na may nakaalitan akong isang reporter na Noranian. Sabi ni Ate Vi: “Melchor, mahalin mo ang trabaho mo sa showbiz. Tsaka huwag nang makikipag-away nang dahil lang sa mga ganyang bagay (tapatang Vilma’t Nora).”

Sa ngayon, sobrang mahal ko ang mommy ni Luis Manzano, dahil bukod sa governor namin siya, alam din niya kung paano ako pahalagahan, dahil kilala na niya ako.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

17 thoughts on “Baka matulad lang kay Mariel Rodriguez Bea Alonzo, kinakabahang bigla na lang ding iwan ni Zanjoe Marudo?!

  1. @Maria, maski naman anong gawin ni Garcia, kung ayaw ng tao, ayaw talaga. Walang nagawa si Garcia sa career ni Mariel. Mariel did this to herself.

  2. @karengkeng, agree ako sa yo, yon din ang tingin ko noon sa relasyon nina Zanjo at Mariel, parang walang kabuhaybuhay si zanjo while in front of the camera with mariel, mas gusto pa nga nya si bianca sa tingin ko at talagang mas vocal at showy at may kilig factor ang actions ni zanjo doon kay bea. Hindi lang kasi magawang saktan ni zanjo si mariel dahil kay Mr. Garcia kasi kung sinaktan nya si Mariel para naring tinigok ni Zanjo ang career nya. Nanduun yata si Mr. Garcia sa likuran ni Mariel kaya nagkaganyan si Mariel. Salamat at umalis na si Mariel sa ABS.

  3. Zanjoe is very vocal about his feelings for Bea. Umamin kaagad siya na in-love siya kay Bea ng tanungin ni Toni. Pansin mo, parang gigil siya at gustong gustong yakapin si Bea sa mga interview nila. Pero noong si Mariel, hindi makaharap si Zanjoe. Laging serious ang mukha at laging nakatalikod. Patango tango lang sa interview. Hindi nagvo-volunteer ng comments. Parang napipilitan lang. Parang mas gusto pa ni Zanjoe si Bianca Gonzalez noong PBB days. Nasingitan lang ni Mariel.

  4. Oo nga pala no, nakakatawa nga ang sinabi nito na ang dali ngang nakuha ng Bataan, hahhahahaha, nakakatawa nga itong si Whothehellischristiu

  5. Si Mariel, nakipag relationship kay
    Binoe bago nakipag break kay Zanjoe. Hindi ba kagagaling lang nila sa cruise pagkatapos, sumingit si Binoe sa Wowowee at PWW. 2 weeks, bagsak ang Bataan.

  6. Calling her FAKE won’t make you REAL
    Calling her DUMB won’t make you SMART
    Calling her WEAK won’t make you STRONG
    Calling her UGLY won’t make you BEAUTIFUL
    Calling her MEAN won’t make you NICE
    Calling her GAY won’t make you STRAIGHT
    Calling her RUDE won’t make you POLITE
    So why bother?! All the haters should just Be quiet! THUMBS UP IF YOU AGREE!

  7. Tama ka Nega, yon din ang napuna ko kay Zanjo nuon, mas showy at parang si Zanjo in love talaga kay Bea. Hindi kagaya noon na parang si Mariel ang trying hard ng kanilang relationship at parang si Zanjo, deadma lang kay Mariel.. At tama rin si totoot, ang super ganda ni Bea, parang nakabingwit ng malaking isda dito si Zanjo kay Bea kaya sana isipin ni Zanjo na napaka suwerte nito kay Bea and plus the fact na si Bea caring sa family niya, tumutulong sa pamilya.

  8. imposibleng hiwalayan ni Z si B sa sobrang ganda ba naman ni B iiwan.?duhh,..at bkit naman matatakot si BEA kung marami naman ang nagkakagusto sa kanya..KAINIS KA WRITER AH,.:/

  9. tama ka nega…si mariel kasi malandi pinipilit sarili sya una ngpapakita ng motibo..eh sino ba nmng manok ang tatanggi sa ganun..palay na lumalapit…tong writer na to hindi nagiisp sige lng ng sige basta may maisulat lang..obvious naman na mahal na mahal ni zanjoe si bea….helloowwww,,,ako budoy..

  10. i dont think so mukhang inlababo si z kay b unlike kay mariel noon si mariel ang todo effort at kung ano ano ginagawa maplease lang si z sabi nga nya dba na si z ay di showy at kitang kita na walang feeling sa knya si z talaga mukhang pinagsiksikan lang naman kc ni mariel sarili nya kay z noon kaya ganoon nakuha nya di napantayan ni z o naibigay ni z yung nililimos nya na love..ngayon super show si z na love nya si b ganon din na sya pa nag gagawa ng mga party to surprise b..ibig sabihin lang non mahal ni z si b..yung relasyon nya kay mariel non parang yung ginawa ni mariel kay robin sya ang nagpakita ng motibo eh mahilig si robin at kahit anytime pwede pakasal at pakasal ulit kaya di natakot.unlike zanjoe di pwede patali kay mariel kaya bago pa mangyare yun iniwan nya..si mariel ang iiwanan ni robin malamang hindi ni zanjoe si bea hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.