Baka maglabasan lang ng baho at makalimutan kaso ni Ram Revilla Sen. Bong Revilla Jr., ayaw nang patulan ang mga patutsada ni Genelyn Magsaysay

TAMA NGANG MANAHIMIK na si Sen. Bong Revilla at hindi na patulan ang mga patutsada sa kanya ni Genelyn Magsaysay na ‘yan!

Kulit nang kulit ang Showbiz Central nu’ng Linggo na sagutin ni Bong ‘yun, pero ayaw na niya talaga dahil hindi na matapus-tapos ‘yun, ‘di ba?

Baka ang ending niyan, nagtatalakan na sila sa publiko, naglalabasan na ng baho at nakalimutan na ang kaso ng pagpatay kay Ramgen Revilla.

Kaya ako na ang sumagot, na sa totoo lang nagpipigil na ako nu’n dahil nairita talaga ako sa mga pinagsasabi ng Genelyn na iyan.

Bakit niya sasabihing ginagamit lang ni Bong ‘yun para sa publicity niya at pa-ngangampanya kahit matagal pa ang eleksyon. Anong klaseng publicity iyan para kay Bong? Nakakatulong ba iyan sa kanya?

Sa totoo lang, malaking kahihiyan ‘yan sa pamilya. Kung meron mang ambisyon si Bong sa susunod na eleksyon, nawala na ‘yun, ‘no!

‘Di ba dapat na magpasalamat pa si Genelyn dahil magmula nu’ng pinatay ang anak niya, nandiyan si Bong na tumutok sa kaso at nag-alok pa nga itong magbibigay siya ng reward na 500 thousand pesos.

Hindi man lang naisip iyan ni Genelyn? Ang sabi pa niya, si Ramona daw ang dapat na state witness dahil nasaksihan nito lahat ang karumal-dumal na pagpatay sa kapatid niya.

Bakit siya umalis sa gitna ng imbestigasyon? Kung siya ang witness na makapagbibigay ng totoong kuwento, bakit siya tumakas? Nanganganib daw ang buhay kaya sa takot nito, umalis na lang siya.

Kung sa akin nangyari ‘yun, kesehodang manganganib ang buhay ko, haharapin ko para lang sa ikalulutas ng kasong ‘yun.
Hay, naku! Lalong pinagdudahan lang sina Genelyn nang magsalita ito nu’ng Linggo. Lalo lang niyang idiniin ang dalawa niyang anak na sangkot sa kasong ‘yun.

Sana nanahimik na lang siya at makipagtulungang malutas ang kasong ‘yun at malaman kung sino talaga ang pumatay sa kanyang anak.

Sabi nga ni Lani Mercado, kung talagang mahal ni Ramona ang Daddy niya, ang dating Sen. Ramon Revilla, Sr., hindi dapat ito umalis, at hinarap dapat ang imbestigasyon at makipagtulungan para malinawan na ang lahat.

 

DATI SI SHAMCEY Supsup ang bentang-benta dahil siya ng huling winner, kung saan tinanghal siyang 3rd runner-up sa Ms. Universe.

Pero ngayon, si Gwendolyn Ruais na dahil first runner-up siya sa katatapos lang na Miss World na ginanap sa London.

Ang ganda nga ni Gwendolyn sa pageant na ‘yun. Pero sa totoo lang, si Cory Quirino ang pinakamaganda dahil first venture niya ito na kung saan kinuha nito ang franchise ng Miss World – Philippines, wagi agad ang winner niya.

Sabi nga ng mga bakla, malaking sampal ito kay Stella Marquez-Araneta na inilipat naman sa ABS-CBN 2 ang Binibining Pilipinas niya.

Pero, tingin ko naman, mas prestigious pa rin ang Miss Universe at iba talaga kung dito nga nanalo.

Natatawa na nga lang ako sa kuwento ng mga bading na baduy na baduy sila sa Miss World. Iba pa rin talaga ang Miss Universe na ginagaya na nga ng ibang beauty contest.

Anyway, tiyak na pinaghahandaan ng hero’s welcome si Gwendolyn sa pag-uwi nito.

Sana kasabay na rin ang kay Manny Pacquiao ‘pag natalo nito si Juan Manuel Marquez sa nalalapit nilang laban sa Las Vegas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Baka maglabasan lang ng baho at makalimutan kaso ni Ram Revilla Sen. Bong Revilla Jr., ayaw nang patulan ang mga patutsada ni Genelyn Magsaysay

  1. Tama ka dyan Ms. Lolit sana nga ay nagpasalamat na lang si Genelyn kay Sen. Bong Revilla dahil una pa lang ay naghahanap na ng Justice para kay Ramgen. Itong si Genelyn puro baho ang alam ilabas sa bibig nya wala naman maniniwala sa sinasabi nyang maagang pagcampaign..gising Genelyn!!! ikakasira nga  kayo dahil sa ginawang pagalis g bansa ni Ramona…sign of guilt nga yun… kahiya ka… kunyari religious…pweeeehhh….

  2. matabang chenelyn,as a mother i understand your feeling… however, mag focus k s subject at hindi kung anik2 ang mga pinagsa2bi mo. kung may kasalanan c Rj at Mara, ipakulong! 

  3. ang isa pang pagkakamali ni Bong, si Lolit pa ang ginawang spokesperson nya eh wala naman credibility ang babaeng itech. Between Genelyn and Lolit, mas pipiliin ko si Genelyn dahil ngayon lng sya nagiging sinungaling dahil sa pagmamahal sa anak, eh si Lolit? MMFF scam dahil sa pera?

  4. may karapatan si Genelyn magsalita bilang ina ng siyam na anak ni Ramon Revilla. pantay dapat ang karapatan ng bawat bata kahit hindi kasal ang ina sa ama. di ba mga Revilla din ang author ng panukalang batas na pantay pantay ang mana whether legitimate or illegitimate child? dapat talagang matakot si Bong sa mga ibubunyag ni Genelyn dahil masisira ang ambisyon nyang maging Presidente.

  5. mana kay genelyn si ramona. mga weird ang sinasabi, o baka naman guilty of something silang dalawa. dapat imbestigahan din ang nanay. is she fit to be a mom. umaaasa na lang ba sa sustento? baka nasanay silang lahat sa todo pasa ng pera kaya nung binawasan yun e isa isa silang nagwala at kinalimutan na yung tatay nila. nakakaduda silang mag-ina. sana mahuli lahat ng kasabwat dahil sinira nla ang name ng Revilla.

  6. Adik yn c genelyn n yan, parang tanga lng kung anuano cnasabi ayaw mgfocus s kaso ni ram. Mukang d nya fav c ram, kc c ram mlpit sa ama at mata at tenga ni ramon sr, dhil c ram ang ngsusumbong kay ramon sr. ng klokohan nyn c genelyn at mga kptid nya. dpt imbestigahan din c genelyn magsaysay mukng mlansa ang babaeng yan.. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.