Baka magamit lang sa promo ng soap ni Angel Locsin
Jennylyn Mercado, ayaw nang patulan ang isyu kay Luis Manzano

Jennylyn-MercadoMAMAYANG GABI na magsisimula ang Carmela ni Marian Rivera, at ang Rhodora X nina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

In fairness, maganda ang feedback sa kanila lalo na sa pagbabalik-loveteam nina Mark at Jennylyn.

May sumisingit pa ring isyu kay Jennylyn tungkol kay Luis Manzano pero ayaw na niya itong patulan pa.

Naku! Baka gamitin pa siya ng promo ni Angel Locsin, ‘no! Kaya mabuting huwag na lang siyang mag-comment.

Si Marian naman, may mga isyu pang pinatutusadahan daw siya sa ipinost ni Carla Abellana sa Instagram account nito.

Nagdagdagan pa ng isyu pa rin kay Heart Evangelista, pero ‘wag na sigurong palakihin pa kasi nega pa ‘yan.

Kahit si Marian ayaw na rin niyang magsalita pa dahil ayaw naman niyang makipag-away.

Ang nag-react lang nang bongga ay ang mga fans ni Marian. Sila talaga ang nangunguna sa pag-react at pagtanggol sa idol nila.

Anyway, abangan n’yo na lang mamaya ang Carmela pagkatapos ng Adarna at susunod ay ang Rhodora X.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Baka magamit lang sa promo ng soap ni Angel Locsin
Jennylyn Mercado, ayaw nang patulan ang isyu kay Luis Manzano

Leave a Reply

Your email address will not be published.