Bailey May at Ylona Garcia, walang pilitan sa loveteam

Ylona Garcia and Bailey May (Photo by Fernan Sucalit)

Ylona Garcia and Bailey May (Photo by Fernan Sucalit)

Blockbuster success ang Bench launch nina Bailey May at Ylona Garcia sa Market Market Activity Center kailan lang. Sila ngayon ang maituturing the fastest-rising young stars in the entertainment industry. Tinitilian at iniidolo ng fans, lalo na ng young generation tulad nila. May chemistry kasi ang dalawa kaya kinagigiliwan silang panoorin ng kanilang mga tagahanga.

Bailey and Ylona, the newest endorsers of the country’s leading clothing and lifestyle brand Bench. They’re officially welcome into the Bench family, the brand launched the teen tandem via Campus Sweethearts. Sa nasabing event they highlighted both their new ambassadors, as well as their holiday collection.

Kinantahan nina Bailey at Ylona ang kanilang fans on stage at nag-duet pa ang dalawa sa awiting “O Pag-ibig” composed by Jamie Rivera para sa kasiyahan ng mga manonood. Marami ang nagsasabi na ang team-up nila ang bagong iidolohin ng bagong henerasyon after the three famous loveteams KathNiel, JaDine, at LizQuen. Here comes the newest teen tandem Bailey and Ylona.

“We’re honored and flattered, of course happy and blessed,” said Bailey.

Nang tanungin namin si Bailey kung ini-enjoy nito ang company ni Ylona, ang mabilis niyang sabi, “Oh yes, we like each other a lot. I really enjoy being with her. She’s so funny, masayang kasama and we have fun together.”

“We’re really really good friends, enjoying the ride…” tugon naman ni Ylona.

If ever Ylona will be paired with other actors, is it okay with Bailey?

“I will allow her, it’s up to her to decide.”

Say naman ni Ylona kung ipa-partner si Bailey sa ibang teen stars, “You never know what future holds…”

Kahit busy sa hectic schedule sina Bailey at Ylona, hindi sila nakararamdam ng pagod. Hindi raw nila sasayangin ang break na ibinigay sa kanila ng ABS-CBN at ng kanilang fans. Hindi raw lahat nabibigyan ng ganitong opportunity, kaya dapat mahalin ang trabaho at magpasalamat sa lahat ng blessings.

“We love our love team, walang pilitan. We’re like each other… it’s a secret. Bailey is crazy…” nakatutuwang sabi ni Ylona.

Bailey is a Filipino-British TV personality, actor commercial model, and recording artist. Nakilala sa internet nang i-post niya ang sariling video singing covers of various artists like Sean Kingston and Daniel Padilla. Nanalong 3rd runner-up (4th Teen Big Placer) sa 10th year edition of Pinoy Big Brother 737 sa ABS-CBN. Una natin siyang napanood sa primetime series na “On The Wings Of Love” playing the role of Harry, the love interest of Audrey Olivar played by Ylona Garcia.

Dream come-true para kay Ylona her debut album entitled “My Name Is Ylona Garcia” under Star Music.

“It’s been my dream to record an album. It’s something I’ve always wanted to do and it’s an amazing opportunity that was given to me,” pahayag ng teenage half-Pinay, half-Aussie.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.