Bahay, Sunog sa Telephone Wire na Ginawang Kawad ng Kuryente

HULI NA ang pagsisisi ng isang pamilya na dahil sa sobrang pagtitipid at ayaw gumamit ng tamang kawad ng kuryente ay nasunog ang kanilang bahay sa Naga City, Camarines Sur.

Sa ulat ng Naga City Bureau of Fire Protection, alas-8 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa ta-hanan ng pamilya Bitangcol sa Brgy. Cararayan.

Nabatid na nasa bayan ng Albay ang buong mag-anak nang mangyari ang sunog.

Sa imbestigasyon ng

BFP-Naga, iligal ang koneksyon ng kuryente habang telephone wire ang ginamit upang maikabit ang kuryente sa kapitbahay na si Vilma Baldin.

Umaabot naman sa P10,000 ang kabuuang pinsalang iniwan ng sunog.

(EUNICE CALMA)

 

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.