Bahay, Pera at Trabaho sa Squatters, Kasado na

TINIYAK NG pamahalaan na sasarap ang buhay ng mga informal settlers o squatters mula estero na makikinabang sa relocation program.

Ayon kay Social Welfare Sec. Dinky Soliman, maliban sa P18,000 cash na ibibigay, makakaasa rin silang kumpleto ang paglilipatang bahay.

Sinabi ni Soliman na may trabaho ring naghihintay sa mga ililikas para masiguradong hindi na babalik pa sa mga waterways o esterong pinanggalingan.

Ayon pa kay Soliman, ang P18,000 ay ibibigay sa mga pamilyang handa nang mailipat sa gawang pabahay na nasa labas ng Metro Manila at ang iba naman ay pamil-yang pansamantalang uupa muna habang ginagawa pa ang paglilipatang medium-rise housing na in-site o nasa Metro Manila.

Una umano sa makikinabang ang mga nasa San Juan at Quezon City habang isusunod ang ibang nasa danger zones.

Samantala, tiniyak din ni Soliman na mahigpit ang kanilang patakaran para hindi madoble ang pamimigay dahil gagamitan nila ito ng biometrics, kabilang ang thumb mark, picture at iba pang katibayan na tumanggap na sila ng perang kabayaran.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.