Bahay Nirapido: Isa, Patay; Paslit, Sugatan

BINAWIAN NG buhay habang nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan ang isang 46-anyos na ginang habang sugatan naman ang tatlong taong gulang nitong anak makaraang paulanan ng bala sa Brgy. Tibagan San Miguel, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Marc Rivero sa Camp Gen. Alejo Santos, kinilala ang nasawing biktima na si Winefreda Roma, habang sugatan ang anak nito na si Ren Wella-Wella, 3 taong gulang, residente sa nabanggit na barangay.

Boluntaryo namang sumuko sa mga pulis ang suspek n si Alvin Francisco Y Laurena, 31, binata, at residente sa naturang lugar.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-12 ng hating-gabi ng Biyernes nang maganap ang pamamaril sa tahanan ng mag-ina.

Nabatid na mga pulis na problema sa lupa ang umano’y dahilan ng pamamaril ng suspek, kung saan walang sabi-sabing ini-spray ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang tahanan ng mga biktima.

Kung saan agad na isinugod sa pagamutan ang ginang na nagtamo ng malalim na sugat sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan na sanhi ng kanyang kamatayan. Habang nagtamo naman ng sugat sa kaliwang bahagi ng balikat ang paslit na kasalukuyang ginagamot sa San Miguel District Hospital.

Samantala detenido nga-

yon ang suspek sa San Miguel Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.