Bahay nilooban; 5 miyembro ng pamilya, minasaker

LIMANG MIYEMBRO NG pamilya ang pinagbabaril nang pasukin ang kanilang tahanan sa Sitio Bagang-Bagang, Barangay Midtungok, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Julie Segura, Josephine Segura, Jonathan Segura, Jerson Segura, at Benjie Pelitro.

Ayon ka  S/Insp. Junie Salazar, chief of police ng Senator Ninoy Aquino-PNP sa Sultan Kudarat, robbery hold-up ang motibo ng mga suspek sa masaker dahil sa loob mismo ng bahay ninakaw ang dalawang chainsaw, P40,000 halaga ng pera at nilimas ng mga suspek ang mga paninda sa tindahan ng mga biktima.

Ayon kay Insp. Salazar, narekober sa crime scene ang 16 na empty shells ng garand rifle at 46 empty shell ng armalite rifle.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, nakasuot umano ng bonnet ang mga suspek nang pinaulanan ng bala ang pamilya Segura.

Lumalabas din sa imbestigasyon na close range o malapitan ang pamamaril ng mga suspek dahil pinadapa pa diumano bago pa man binaril ang mga biktima.

Sa ngayon nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy at madakip ang mga suspek.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.