Bahay ni Marcelito Pomoy, naabo

KINUMPIRMA NG Bureau of Fire Protection (BFP) na kabilang ang bahay ni Marcelito Pomoy, grand winner ng 2nd season ng Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN sa kabahayan na tinupok ng apoy sa dalawang magkahiwalay na sunog na nangyari sa Hinatuan at sa Bislig City, lalawigan ng Surigao del Sur kamakailan.

Sa nasabing insidente, binawian ng buhay ang isang 92 anyos na lola na may kapansanan, si Maxima Lim.

Tinataya naman na aabot sa P2.3 milyon ang iniwang pinsala sa sunog na ikinatupok ng umaabot sa 28 bahay at tatlong commercial building sa Purok 3, Bandola St., Brgy. Aquino, Hinatuan, Surigao del Sur.

Naapula naman ng mga bombero ang sunog dakong alas-3:30 ng madaling-araw.

Inireport ng Surigao del Sur Provincial Fire Protection na kabilang naman sa naabo sa naturang sunog ang bahay ni Marcelito sa Purok-3, Barameda St., Riverside District.

Umabot sa 81 na bahay ang naabo sa sunog na nagsimula sa kapit-bahay ng mang-aawit.

Balitang walang naisalbang kagamitan ang pamilya Pomoy dahil unang iniligtas ang mga pamangkin.

Umaabot naman sa P700,000 ang iniwang danyos sa tinupok na bahay ng singer.

Sa ngayon nasa tour pa sa Canada si Pomoy.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.