Bahay ni Angelika Dela Cruz, Pinasabugan

NABULABOG ANG MGA residente ng isang lugar sa Malabon City matapos na hagisan ng pampasabog ang bahay ng aktres na si Angelika dela Cruz at ng tatay nitong kapitan ng barangay ng apat na menor de edad na kalalakihan kahapon ng madaling-araw.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon City Police ang mga suspek na sina Rolly Paladin, 17, at Franco Montallana, Jr. 17, kapwa residente ng Brgy. Longos ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa dalawa pang suspek na nakilalang sina Romeo Salcedo at isang alyas ‘Balat’ na agad na nakatakas matapos ang insidente.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Edsel dela Paz, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling-araw sa harapan ng bahay ng artistang si dela Cruz at ng tatay nitong si Chairman Ernie dela Cruz ng Brgy. Longos na matatagpuan sa # 61 Gen. Borromeo St.

Ayon sa ulat ng pulisya, kasalukuyang nakikipagkuwentuhan ang kapatid ni Angelika na si Erick sa kanyang mga kaibigan sa loob ng compound ng pamilya dela Cruz nang dumaan ang mga suspek.

Walang sabi-sabing hina-gisan ng mga suspek na pampasabog ang gate ng pamilya dela Cruz dahilan upang mabulabog ang mga residente sa naturang lugar.

Agad namang hinabol ng mga barangay tanod ang papatakas na suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawa sa mga ito habang nakatakas naman ang iba pang kasamahan ng mga naarestong kabataan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.