Bahay ng TV Reporter, Ninakawan

HINDI MAKAPANIWALA ang isang TV reporter na pinasok ng akyat-bahay gang ang kanyang inuupahang apartment sa Quezon City kamakailan.

Ayon sa reporter ng TV5 na si Romel Lopez, laking gulat niya nang pagbalik sa kanyang tirahan ay sira na ang lock ng dalawang pintuan.

Natangay sa bahay ni Lopez ang halagang P50,000 na cash, isang laptop at mga alahas.

Samantala, hinala ng TV reporter, posibleng ang kasambahay na kanilang pinalayas ang nasa likod ng nasabing panloloob.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.