Bahay ng Municipal Treasurer, Grinanada; 3 Grabe

TATLONG KATAO ang sugatan nang hagisan ng granada ang tahanan ng municipal treasurer sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Ayon kay Col. Prudencio Asto, Public Affairs Office ng 6th Division ng Philippine Army, naganap ang insidente alas-5:52 ng hapon sa loob ng bahay ni Juliet Mariscal, Municipal Treasurer ng Pagalunan, Maguindanao, sa Roque Dandan Street.

Sinasabing nagpapahinga ang mga kasambahay ni Mariscal nang bigla na lamang batuhin ng granada ng hindi napansing mga suspek.

Dito, sumambulat ang granada sa loob ng tahanan dahilan para masugatan ang mga hindi pinangalanang biktima. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.