Bahay ng Mayor, Ni-Raid; 44 Armas at mga Bala,Narekober

NI-RAID NG pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) mula Kampo Crame at Special Action Force (SAF) 6 ang bahay ni Pulupandan, Negros Occidental Mayor Magdaleno Peña.

Narekober sa naturang bahay ang 44 high-powered firearms kabilang ang 31 shotguns, pitong AK-47, dalawang M16 rifles, dalawang calibre .45 pistols at dalawang sniper rifles.

Bukod dito, nakakuha rin ng kahon-kahong mga bala.

Ayon pa kay Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. ng Western Visayas, nakarekober din sila ng dalawang 1/4-pound na military explosives. Kaya ipinagtataka ng mga kinauukulan kung bakit may ganito karaming armas at pampasabog ang alkalde.

Base sa inisyal na pahayag ni Peña, sinabi nitong hindi siya nababahala dahil pawang lisensyado ang mga narekober na armas sa kanyang bahay.

Samantala, iba-validate naman ng mga kinauukulan kung totoo ngang lisensyado ang mga baril ng alkalde.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

4 thoughts on “Bahay ng Mayor, Ni-Raid; 44 Armas at mga Bala,Narekober

Leave a Reply

Your email address will not be published.