Bahay ng mag-asawang drug user, sinalakay ng PDEA

MARIVELES, BATAAN – SINALAKAY ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at 1st platoon ng Provincial Publict Safety Company ang ta-hanan ng umano’y kilalang user at tulak ng ipinagbabawal na droga sa Bonifacio St.Brgy,Poblacion kahapon ng tanghali.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt Rommel Velasco hepe ng Mariveles PNP kay P/SSupt.Arnold Gunnacao,Bataan Pnp Provincial Director kinilala ang nadakip na suspek na si  Reynaldo Gabay Jr.nasa hustong gulang, habang pinaghahanap pa rin ang asawa nito na si Gloria Gabay residente sa nabanggit na bayan.

Pinasok ng mga otoridad ang bahay ng mag-asawa, sa bisa ng Search warrant na ipinalabas ni Branch-4 Balanga City RTC Judge Bartolome Flores na SW no.001-11.

Ganap na alas-11;00 ng tanghali ng  madiskubre ng mga otoridad ang 3 maliit na  plastic na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana,1 maliit na plastic na naglalaman ng Shabu, 8  empty plastic ng Shabu  at isang  bote na naglalaman ng pampasabog na Ammonium Nitrate.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa Mariveles Municipal Jail sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 at Illegal Possesion of Explosive Device. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.