Bahay ng Kandidato, Hinagisan ng Granada

MASUWERTENG NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan  ang pamilya ng isang kandidato sa pagka-bise alkalde sa Brgy. Sampaloc, Doña Remedios Trinidad, Bulacan makaraang hagisan ng granada.

Kinilala ni Sr. Inspector Berges, ang biktimang si former Councilor Romy Santiago, 38 anyos, kandidato sa pagka-bise alkalde sa ilalim ng partido ng KBL sa nasabing bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang alas-4:30 ng madaling-araw ng Enero 22 nang pasabugan ng hindi nakilalang armadong kalalakihan ang bahay ni Santiago.

Nabatid na kasalukuyang mahimbing na natutulog ang pamilya ni Santiago nang makarinig sila ng malakas na pagsabog sa labas ng kanilang bahay. Dahil sa matinding takot ng kanyang asawa at mga anak, nanatili silang nakadapa sa loob ng kanilang kuwarto.

Ayon kay Santiago, wasak ang harapang bahagi ng kanyang bahay dahil na rin sa mga sharpnail na bumaon sa bubong at antigong kahoy. Aniya, masu-werteng hindi natapat at lumusot sa loob ng kanilang bahay ang inihagis na pampasabog.

May teyorya naman ang mga awtoridad na posibleng may kaugnayan sa pulitika ang paghahagis ng granada sa tahanan ni Santiago, dahil bago pa ang pagpapasabog, nakatatanggap na umano ito ng banta sa kanyang buhay mula nang magdeklara itong muling lalaban sa pulitika.

Wala namang matukoy ang mga pulis kung sino ang nasalikod ng paghahagis ng pampa-sabog sa bahay ng Pa-milya Santiago.

(TONY DELA PEÑA)      

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.