Bahay ng Huwes, Ninakawan ng Brgy. Tanod

KULONG ANG isang barangay tanod matapos na looban at pagnakawan ang bahay ng isang huwes sa Batan, Aklan.

Nakilala ang salarin na si Allan Ureta, 38, residente ng nasabing lugar.

Lumalabas sa ulat , mahigit sa P60,000 ang natangay ng barangay tanod sa bahay ni Judge Elmo del Rosario ng naturang bayan.

Paalis na sana papunta sa trabaho ang huwes nang napansin ang nangyaring pagnanakaw sa loob ng kanyang tirahan kung saan nawawala ang kanyang perang P27,000 at iba pang mahahalagang gamit.

Base sa pagsisiyasat ng Batan PNP, dumaan sa likod na bahagi ng bahay ng hukom ang barangay tanod bitbit ang mga ninakaw su-balit may nakakitang testigo na nakakilala sa suspek.

Mabilis naman itong naaresto at nakakulong na sa Batan PNP station.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.