Bahay ng Ex-Mayor, Pinasabugan ng Granada

PINASABUGAN NG hindi pa nakikilalang mga suspek ang bahay ni former Mayor Manolet Escalante ng Manapla, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Base sa pagsisiyasat, dakong alas 10:00 ng gabi ay makalawang beses na pinaputukan ng M203 ang kanilang compound kung saan ang unang putok ay tumama sa mga kabahayan na tinutuluyan ng kanilang mga kasambahay.

Ang pangalawa ay tumama na sa harapan ng kanilang bahay mismo ngunit sa mabuting palad ay walang may natamaan.

Aminado naman si former Mayor Escalante na may natanggap itong intelligence report kaugnay sa mga armadong grupo na planong gumawa ng karahasan ngunit ito ay kanyang binalewala dahil wala naman aniya siyang kaalitan.

Samantala, kahit hin-

di na ito kandidato ay naniniwala ang dating alkalde na may kaugnayan sa pulitika ang nangyari kung saan kilala itong tagasuporta ng kumakandidato sa pagka-gobernador sa lalawigan na mainit ang bangayan ngayong halalan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.