Bahay ng DOTC-ARMM Director, Grinanada

ISANG GRANADA ang ihinagis sa bahay ni Director Pama Dimapanat ng Department of Transportation and Communication – Autonomous Region in Muslim Mindanao noong Sabado ng gabi sa Moon Street, Zenaida Subdivision, Cotabato City.

Ayon kay SPO2 Saglayan, PNP escort ni Dimapanat, isang lalaking lulan ng motorsiklo ang naghagis ng granada sa pagitan ng alas-7 hanggang alas-8 ng gabi.

Naghihinala naman si Noraisa Dimapanat, kapatid ng opisyal, na posibleng may kaugnayan ang paghagis ng granada sa pamamaril sa kanyang kapatid na ikinasugat nito at pagkamatay ng isang Gerome Domingo habang maaari rin ang hidwaan sa pagitan ni Director Dimapanat at kanyang mga empleyado.

Una nang inamin ng opisyal na may nais gumanti sa kanya dahil sa pagpapatanggal nito sa ilang emple-yado na hindi naman qualified.

Wala namang naiulat na nasugatan sa pagsabog ng granada.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.