Bahay ng Dating Justice Secretary, Pinasabugan

ISANG PINAGHINALAANG pillbox ang pinasabog sa labas ng bahay ng mag-amang dating Justice Sec. Raul Gonzales Sr. at dating Iloilo City Rep. Raul Gonzales, Jr. sa Brgy. Quintin Salas, Jaro, Iloilo City.

Wasak ang sementadong plantbox sa gilid ng pader ng bahay at kumalat din ang mga napunit na posters sa nasabing insidente.

Ayon sa mga residente, isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig.

Sinasabing nasa loob mismo ng bahay ang mag-amang Gonzales nang nangyari ang pagsabog.

Samantala, napag-alaman ding brownout sa lugar nang nangyari ang naturang insidente.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.