Bahay ng Dating Alkalde, Niratrat

MALAKAS ANG paniniwala ng dating alkalde ng bayan ng Malinao na may kinalaman sa pulitika ang ginawang pangha-harass sa kanyang bahay sa Legaspi City.

Una rito, nang maabutan na lamang ng dating alkalde ng Malinao na si Billy Ceriola ang nagkalat na empty shell ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa kanilang tirahan.

Maliban pa rito, nakita naman sa bahagi ng kanilang bahay ang ilan pang butas mula sa mga putok ng baril mula sa hindi pa nakikilalang mga salarin.

Sinabi ni Ceriola na higit pa sa pangha-harass ang ginawa sa kanila lalo pa’t maaaring madamay ang kanyang pamilya.

Wala namang naireport  na nasugatan sa insidente.

Nanindigan naman ang biktma na pulitika ang isa sa mga maaaring dahilan ng naturang pangyayari.

Samantala, si Ceriola ang mahigpit na nakalaban ni Mayor-elect Alice Morales noong May 2013 midterm election na kapatid naman ng napatay na si Makati City Engr. Nelson Morales.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.