Bahay ng alkalde, pinasabugan

BINULABOG NG PAGSABOG ang compound ni Cordon, Isabela Mayor Laurencia Zuniega sa Barangay Magsaysay, kaninang alas-3:30 ng madaling-araw.

Wasak ang isang bahagi ng tahanan ng alkalde ma-

ging ang Toyota Hilux pick up at Grandia van nito. Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente ng pagsabog.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod at posibleng mo-tibo sa insidente.

Samantala, nagulantang na naman ang mga residente ng Cotabato City makaraang marekober ang isa pang bomba, kamakalawa ng gabi. Alas-7 nang matagpuan ng isang pedicab driver ang improvised explosive device (IED) sa Gutierrez Avenue.

Ayon kay Director Felicisimo Khu, hepe ng Western Mindanao Directorate For Integrated Police Operations, isang 90 mm anti-tank mortar round, Nokia 3315 cellphone na triggering device, 9 volt battery at electronic circuit ang narekober.

May 100 metro lamang ang layo ng IED sa tapat ng gate ng Office of the Regional Director ng ARMM.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.