Bahay, inararo ng trak; tatay, patay

 

AGAD NAMATAY ang isang padre de pamilya matapos na araruhin ng isang 10-wheeler truck ang kanilang bahay sa Agusan del Sur kamakalawa ng madaling araw.

Ayon kay PO3 Darlin Cabalinan-Migullas ng Caraga PNP, nangyari ang insidente sa bahagi ng Purok 5, Brgy. Afga Sibagat, Agusan del Sur dakong alas-4:10 ng umaga kamakalawa.

Minamaneho umano ng suspek na si Elth Moreno, 24, walang asawa, ng Purok 3, Brgy. San Jose, Davao Oriental ang isang Fuso fighter 10 wheeler truck na may plakang KEE-877.

Subalit nawalan umano ito ng kontrol sa manebela nang nasa bahagi na ng kalsadang sakop ng Purok-5, Brgy. Afga, Sibagat, Agusan del Sur, kaya tuluyan itong bumulusok sa gilid ng kalsada kung saan inararo ang bahay ng pamilya Antipala.

Sa tindi ng pagkaka-araro sa bahay ay agad na binawian ng buhay ang biktimang si Vivinelio Antipala na nagkataong mag-isa lamang na natutulog sa kanilang bahay matapos na mamasyal at mapagpasyahan ng kanyang mag-iina na sa lungsod ng Davao magpalipas ng buong magdamag.

Matapos ang aksidente ay kusang-loob namang sumuko ang suspek na si Moreno na ngayon ay nahahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Damage in Property.

(E.CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.