Bahagi ng C-3 Road, Namanghi

UMALINGASAW ANG mapanghing sa kahabaan ng C-3 Road, Navotas partikular sa Lapu-Lapu St., Boulevard dahil sa pagsi-

ngaw ng amonia sa isang pabrika sa nabanggit na lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na im-bestigasyon ni Navotas City Bureau of Fire Protection (BFP) FO2 Benjamin Maborang, bandang alas-8:45 ng gabi kamakalawa ng makatanggap sila ng tawag mula sa guwardiya ng Vifel Ice Plant na mayroon umanong ammonia leak sa kanilang planta ng yelo na matatagpuan sa Lapu-Lapu St., Boulevard, Navotas City.

Agad namang nag-responde ang nasabing himpilan ng pamatay-sunog sa nasabing planta ng yelo upang maagapang maisara ang isolator gayundin ang valve nang cylinder na kinalalagyan ng ammnia sa nasabing pabrika kung kaya’t hindi na kumalat pa ito.

“Kaunti lang naman ‘yung nag-leak, kaya’t pasalamat din kami na hindi na kumalat ang ammonia at walang naapektuhan sa loob at paligid ng planta. At mabuti rin na nakatawag agad ‘yung guard sa amin,” wika ni Maborang.

Todo rin ang pasasa-lamat ng pamunuan ng Vifel Ice Plant sa Navotas BFP sa mabilis nilang pagresponde sa nasabing insidente.

Kaugnay ng nasabing insidente ay patuloy na inaalam ng awtoridad ang dahilan kung bakit nagkaroon ng tagas sa nasabing planta.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.