Bagyong Yolanda, Mararamdaman din sa MM

KINUMPIRMA NG Pagasa na mararamdaman din sa Metro Manila ang hagupit ng bagyong Yolanda na itinuturing ng ibang weather agency bilang supertyphoon.

Ito ay sa kabila ng mga pahayag ng nasabing ahensya na hindi naman direktang dadaan sa National Capital Region (NCR) ang sentro ng nabanggit na sama ng panahon.

Sa pinakabagong ulat ng Pagasa, posible umanong makaranas ng matinding pinsala ang katimugang bahagi ng Kamaynilaan.

Samantala, kabilang naman sa mga lungsod na maaaring maaapektuhan ng hagupit ng bayong Yolanda ay ang Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, at Pasay City.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.