Bagyong Maring at Habagat, Nalampasan ng Navotas

MAGIGING KAMPANTE na ngayon ang loob ng pamahalaan lokal ng Navotas City, anumang oras na may dumating na kalamidad sa bansa, lalo na ang sunud-sunod na masamang panahon o bagyong dumating sa ating bansa, dahil na rin sa pagtupad ng tungkulin o ‘political will’ ng magkapatid na Tiangco.

Hindi man lamang naapektuhan ang siyudad o may naitalang pagbaha, pinsala sa pampublikong pasilidad at mga bahay ng residente sa Navotas nang manalanta ang Bagyong Maring at Habagat noong Agosto 18 hanggang 22 sa buong Metro Manila at sa ibang parte ng Hilagang Luzon.

Sa kabila ng mataas na high tide sa buong linggo na may sukat na 1.6m hanggang 1.9m, nanataling “passable” ang lahat ng panguna-hing kalsada sa lungsod.

Pinakamataas na naitalang taas ng baha sa pangunahing lungsod sa Navotas ay 14 inches sa tapat ng ELFA Shipyard, M. Naval St. noong Agosto 22 bandang alas 9 ng umaga dahil sa pagsabay ng malakas na ulan ngunit agad ding bumaba sa kabila ng hightide na 1.8m bandang alas 12 ng tanghali.

Personal na nag-ikot si Mayor John Rey Tiangco sa 14 na barangay sa Navotas upang bisitahin ang mga binahang lugar at sinigurong umaandar ang mga pumping stations sa mga nasabing araw.

Aniya, “nakatulong nang malaki ang regular na declogging at clean-up operations at 39 pumping stations upang hindi tumaas ang tubig baha bago pa man magsimula ang bagyo at habagat.”

Hindi rin maikakaila na ang mabuting nagawa ni Cong. Toby Tiangco, noong siya ang naging alkalde ng lungsod ay siya rin ipinagpatuloy at lalong pinagbubutihan ng kanyang kapatid na si Mayor John Rey Tiangco.

“Patuloy po ang pag-aaral at paghahanda ng lokal ng pamahalaan kung paano tuluyang maiiwasan ang pagbaha sa lungsod para sa mga parating pang bagyo at ulan,” ayon pa sa alkalde.

(MARY SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.