Bagyong Igme, nabuo na

 

NABUO NA kahapon ng tanghali ang aktibong low pressure area sa hilagang bahagi ng Luzon bilang isang ganap na bagyo.

Base sa ulat ng PAGASA, tinawag na nila ito bilang tropical depression Igme na siyang ika-siyam na bagyo para sa taong ito.

Huling namataan ang bagyong Igme sa layong 280 kilometro sa silangan timog-silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay ng nasabing bagyo ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Kumikilos ito nang pa-kanluran sa napakabagal na pag-usad.

Dahil dito, nakataas na ang signal number 1 sa mga lalawigan ng Isabela at Cagayan.

Bukas ng umaga, ang bagyong Igme ay inaasa-hang nasa 260 kilometro sa silangan timog-silangan ng Aparri, Cagayan.

Sa Martes naman ay nasa 130 kilometro ito sa silangan hilagang-silangan Aparri, Cagayan.

Habang sa Miyerkules ay nasa 210 kilometro na ito ng hilagang bahagi ng Aparri, Cagayan o malapit sa Basco, Batanes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.