Bagyong Crising, Tumama na sa Davao

TUMAMA NA sa kalupaan sa southern tip ng Davao del Sur ang Bagyong Crising, ala-1:00 ng hapon kahapon.

Sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Aldczar Aurelio na napanatili ng bagyo ang lakas na 45 kilometro bawat oras (kph) at bilis na 22 kph.

Bukod naman sa Davao del Sur, maaari pa rin aniyang mag-landfall ang bagyong Crising sa bahagi ng Basilan at sa southern tip ng Palawan.

Inaasahan na lalawak pa o madadagdagan ang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng storm signal.

Kasalikuyang nakataas pa rin ang public storm signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:

Davao del Norte; Davao del Sur; Samal Island;  Davao Oriental; Compostela Valley;  southern part of Surigao del Sur;  Agusan del Sur;  Bukidnon;  Lanao del Norte; Lanao del Sur; North Cotabato; Maguindanao;  Sultan Kudarat;  South Cotabato;  Sarangani;  Misamis Occidental; Zamboanga del Norte;

Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan sa mga naturang lugar, partikular sa loob ng 300 km diameter ng bagyo.

Samantala, binabalaan pa rin ang mga apektadong residente sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa at pinapayuhan pa ring huwag pumalaot ang mga mangingisda sa northern at eastern seaboards ng bansa.

Inaasahan din na makalalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes ng gabi.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.