Bagyong Auring, Umatake Na; 9 lugar, Signal No. 1

KASALUKUYANG NAKATAAS na ang storm signal number 1 sa siyam na lugar na apektado ng masamang lagay ng panahon mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ito’y matapos tuluyan nang mabuo ang kauna-u-nahang bagyo para sa taong 2013 at tinawag ito ng PAGASA bilang tropical depression Auring.

Kabilang sa mga nasa ilalim ng babala ng bagyo bilang isa ay ang Palawan, katimugang bahagi ng Negros provinces at Siquijor Island; Lanao del Norte at Lanao Del Sur, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.

Huli namang namataan ang sentro ng bagyo base sa satellite and surface data sa layong 50 kilometro sa kanluran ng Dipolog City.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro malapit sa gitna.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 28 kilometro kada oras o patungo sa pangkalahatang direksyon patungo sa lalawigan ng Palawan.

Sa ngayon ay may dala itong hanggang 15 milimetro kada oras na ulan at may lawak na 250 kilometro sa diametro.

Samantala, isa pang sama ng panahon ang nagbabadyang mabuo sa Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na linggo ayon pa rin sa PAGASA.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.