Baguio Mayor Domogan, ‘Nawawala’

BAGUIO CITY – SAMU’T SARING ispekulasyon ang namamayani sa mga residente ng lungsod, matapos ang may isang linggo nang ‘pananahimik’ at pagkawala ng kanilang mayor na si Atty. Mauricio Domogan. Sinasabi ng ilan na may kaugnayan umano ito sa kalusugan ng mayor, sa iba naman ay tungkol sa personal na buhay nito.

Sa kabila nito, pinani-nindigan naman ng mga tagapagsalita ni Domogan na nagpapahinga lang ito sa higaan ayon na rin sa payo ng mga doktor nito sa Maynila, kung saan iniulat na mayroon umanong Pneumonia ang mayor.

Pinatatakbo ngayon ang lungsod ni Vice Mayor Daniel Fariñas na tikom din ang bibig sa tunay na kalagayan ng mayor.

Naiulat na dinala si Domogan sa St. Luke’s Hospital noong Miyerkules, at inaasahang makakabalik din agad ito sa trabaho matapos na makapagpahinga.

Gayunman, kumakalat ang ispekulasyon na hindi raw ang mayor ang talagang nasa ospital, kundi ang isang taong ‘malapit na malapit sa kanya’.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit biglang napauwi ang asawa ni Mayor Domogan na si Rebecca, para tingnan umano ang sitwasyon.

Hinihiling naman ng mga tagapagsalit ni Domogan na huwag ‘palakihin’ ang sitwasyon.

Pero patuloy na kumakalat ang usap-usapan tungkol sa isang ‘babae’ umano na dating staff ni Domogan noong kongresista ito, na humihingi ng tulong sa isang kilalang kolumnista sa broad sheet, kaugnay ng ‘sitwasyon nito’.

Nanindigan naman ang isang malapit kay Domogan na ang mayor ang naka-confine sa nasabing ospital.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.