Baguhang starlet, kinaiinisan ng mga manager dahil daw sa paglalandi sa kanilang mga alaga!

KINSA SILA? Mahabang tawag tapos sinundan pa ng napakahabang text messages ang naging reklamo ng dalawang talent managers sa isang baguhang ‘starlet’ dahil daw super nilalandi nito ang kanilang dalawang alagang menchu. Tini-text, tinatawagan at tini-tweet pa raw nito ang kanyang pagkagusto sa dalawang artistang lalaking ito.

Si Girl ay produkto ng isang malaking talent search sa isang istasyon sa bandang Novaliches… ayan ha? May clue na. At, take note, 17 years old pa lang siya pero parang gusto na niyang iaalay ang sarili sa dalawang lalaki. Ang unang lalaki, ay dalawang beses nang nabigyan ng best actor award. Ang eksena, nakasama ni girl sa isang production number ang unang lalaki, after nito, todo post ito sa Twitter ng kung anu-anong paramdam sa menchu. To think hindi pa hiwalay ang unang lalaki sa karelasyon nitong Sexbomb dancer, clue ulit. Nag-birthday si Lalaki, nagmamadaling umalis sa taping si Girl para sumama sa inumang panlalaki hanggang umaga. The next day ang tweet nito ay, “I’m a dead kid, lasing, masakit ang ulo-antok.’ At nag-Instagram pa ito ng mga litrato ng alak, at nagparamdam pa rin sa actor kaya siya binansagang stalker ni Bona actor, bigay na ‘yan ha.

Ang pangalawang lalaki naman, nakasama niya sa naturang artista search. Bale, parang ka-love team niya ito, kaso ayaw raw makisama ni Girl at palaging may sariling lakad. Minsan daw nagbibihis si Pangalawang lalaki, sinabihan daw ito ng girl na kaya pink daw ang nipples nito ay may sumisipsip lagi. Ano raw? Nakakaloka ang girl na ito, ha? Ang apelyido ng boy ay English ng salitang ‘bagong lalaki’. Si girl, nasa mga buwan sa kalendaryo ang pangalan.

Sana magtino na ang girl na ito dahil kakasimula pa lamang niya sa showbiz. Huwag sanang dumating sa punto na ‘yung dalawang managers pa ang maka-engkuwentro nito baka tuluyan na siyang malaos-malaos ba hindi pa nga kilala? Ay basta, tigilan mo na ‘yan girl.

 (By Arniel Serato)

Related Post

loading...

9 thoughts on “Baguhang starlet, kinaiinisan ng mga manager dahil daw sa paglalandi sa kanilang mga alaga!

  1. Yung 1st guy is Edgar allan guzman 2nd is Mark Newman ng Artista Academy. Yung girl d pa ko sure. Pero malandi cya ha

Leave a Reply

Your email address will not be published.