Baguhang Pinay singer sa Canada, inagawan ng titulo si Joey Albert?

ISANG MATAMIS NA ngiti ang isinagot ng Vancouver’s Singing Sweetheart na si Ethel Rose Amistad, ang Pinay-Canadian international singer na ngayon ay nasa bansa para sa kick-off ng Asian Tour na magsisimula sa Pilipinas at susundan ng Indonesia at Malaysia, sa isyung inagaw niya ang tag na “Vancouver’s Singing Sweetheart” sa magaling na mang-aawit na si Joey Albert na naka-base na rin sa Canada.

Tsika nga ng record producer (Ecclesiastes Entertainment) at Pinoy Canadian Idol na  si  Ramil  Omosura  na walang sulutan o agawan ng titulong  naganap between Ms. Joey Albert at Ethel, dahil ibinigay lang naman daw ng media sa Canada ang titulong “Vancouver’s Singing Sweetheart” kay Ethel.

Isa raw si Joey Albert sa iniidolo ni Ethel pagdating sa pagkanta, bukod pa sa minsan na ring nakasama ng young international singer si Ms. Joey Albert na sobrang bait daw kung ilarawan nito. Kaya naman daw pakiusap ni Ramil na ‘wag na lang intrigahin si Ms. Joey Albert at Ethel dahil mataas daw ang respeto ng kanyang first recording artist sa veteran singer.

Kuwento pa ni Ramil na abangan na lang daw si Ethel sa kanyang mga TV guestings sa August 12 sa Kapuso Foundation at Walang Tulugan with the Master Showman; Aug. 14 – SM Baliwag, Aug. 15 – Music Uplate; Aug. 19 – SM Valenzuela; Aug. 20 – SM San Pablo; Aug. 21 – SM Dasmariñas; at Aug. 27 – SM Rosario.

 

MARIING PINABULAANAN NI Rich Asuncion na may namumuo nang relasyon sa kanila ni Ervic Vijandre, ang ex-boyfriend ni Marian Rivera. Ayon kay Rich, inaamin niyang nagdi-date na sila ni Ervic, pero hindi pa officially na sila na.

Tsika pa ni Rich na if ever naman daw na liligawan siya ni Ervic, may pag-asa naman ito dahil gusto niya rin ang binata. Bukod pa sa mabait ito at napaka-gentleman.

Ayaw nga raw isipin ni Rich na ‘yung magagandang gestures na ipinapakita sa kanya ni Ervic ay dahil sa gusto siya nito. Napakapangit daw kasi na siya ang magpakita ng motibo sa model/actor dahil kababae niyang tao.

Wala naman daw siyang balak ilihim, if ever, na magiging sila ni Ervic, karapatan daw kasi ng kanilang mga tagahanga na malaman kung ano ba talaga ang real score sa kanila. Pero sa ngayon daw, masasabi niyang close friends lang sila at hindi pa humahantong sa ligawan.

 

MARAMING KINIKILIG SA bagong nilulutong loveteam ng GMA-7, at ito ay ang loveteam nina Hiro Magalona at Kim Komatsu ng Tween Hearts, na sinasabi nilang mala-Richard Gutierrez at Angel Locsin noong mga nagsisimula pa lang ang mga ito sa Mulawin.

Katulad ni Richard, matangkad at guwapo si Hiro, samantalang like Angel, slim, maganda ang mukha ni Kim. Tsika nga ng mga kapatid sa panulat, na bigyan lang ng maganda at tamang proyekto ang dalawa ay maabot ng mga ito ang kasikatang naabot nina Richard at Angel, dahil sa Tween Hearts ay isa ang loveteam nila sa inaabangan ng mga manonood.

Sa sobrang sweetness nga ng mga ito sa set, maraming nagsasabing baka may relasyon na ang dalawa na mariing pinabulaanan naman ni Hiro. Ani Hiro, nasa estado pa lang sila na kinikilala ang isa’t isa at nag-e-enjoy sila ngayon bilang magkaibigan at magka-loveteam sa Tween Hearts. Pero very honest naman nitong sinabi na crush niya ang young star. ‘Yun na.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Baguhang Pinay singer sa Canada, inagawan ng titulo si Joey Albert?

  1. NAKU ANG CHAKA NUNG ETHEL AMISTAD NA YAN. MAY MAKE-UP NAT LAHAT EH MUKHA PA RIN MABANTOT. PERO KUNG MAGANDA TALAGA VOICE NYA EH DI GO AT IPAGPATULOY MO LNG YAN TUTAL MAHILIG NMAN MGA MABABANTOT AT SUPOT NA FOREIGNERS SA MGA PINAY NA CHAKA EH BASTA MALUWANG LNG NAG BUNGANGA BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.