Baguhang aktor na dyinodyowa ni gay TV exec, matagal nang pumapatol sa bading?!

SA MGA MADALAS makakita sa isang gay TV executive (TVE) na ito at isang male showbiz upstart (MSU), manhid na lang ang hindi lulundag sa konklusyon na meron silang relasyon.

Kuwento ng aming source: “Si MSU, produkto ng isang artista search, bale ka-batch niya ‘yung medyo sikat na ring aktor na nabigyan ng solo project ng istasyon.” Nang banggitin nito sa amin ang pangalan, the MSU’s name still hardly rang a bell, kaya we fished for further description.

“Galing siya sa isang parte ng Maynila, in fairness, may hitsura. Kung ide-develop lang siya, mas mukha pa siyang artistahin kesa du’n sa batchmate niya na tinukoy ko na banong umarte, maganda lang ang katawan.”

Next info please.

“Pero noon pa man daw sa lugar nila, pumapatol na siya sa mga bakla. Eh, lapitin nga siya ng mga bading dahil guwapo siya. For a while, nawala siya sa circulation, nagulat na lang ako kasi madalas na siyang nakikitang karay-karay ni TVE.  Ano pa ba naman ang puwede mong isipin, eh, ‘di dyinowa na si MSU ni TVE?!”

Bago? Kung tutuusin, luma na ang mga kuwentong relasyon involving gay TV bosses and network talents. Kung discreet naman ang mga affair na ‘yon, lalo’t hindi nakaaapekto sa kanilang trabaho, let them be. Call it symbiotic relationship, one needs the other, and vice versa to survive.

Sino si TVE at si MSU? Having taught Literature for three years, let me assign literary characters to their identities.  Respectively, tawagin na lang natin ang alleged lovers na ito na sina Ali Baba at Don Quixote.

(By Ronnie Carrasco III)

Related Post

loading...

14 thoughts on “Baguhang aktor na dyinodyowa ni gay TV exec, matagal nang pumapatol sa bading?!

  1. tsk tsk yung mga gumagawa ng paninira na yan mahiya naman kayo grabe..siguro laway na laway kayo dun sa tao at dahil ayaw kayo patulan eh maninira na lang kayo. tsk tsk well may karma naman eh. Goodluck sa inyo si satanas na lang kaibiganin nyo mga loser.

  2. BUTI NA LANG DI AKO MARUNONG SA LITERATURE, KC DITO RIN PALA ANG BAGSAK KO..TSISMUSO AT PAKIALEMERO SA BUHAY NG IBANG TAO!!!!

  3. CONFIRMED it’s DEX Q…callboi daw yan c dex..ika ng mga echuserang baklush! pahada yan sa mga mayayaman na gay sa lugar nila at sa skul din daw nya.

  4. ” batchmate niya na tinukoy ko na banong umarte, maganda lang ang katawan.” = ALJUR ABRENICA!

    hahahah!! natatawa ako dito. amp!

    Bisexual ba yang si Dex Quindoza?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.