Bagong website ng PhilHealth, inilunsad

 

 

INILUNSAD NG Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang bago nitong website kamakailan sa Discovery Suites sa Ortigas, Pasig City.

Ang bagong website, www.philhealth.gov.ph, ay mayroong online services mula sa electronic registration, claims eligibility verification, online mapping, at maging electronic premium reporting hanggang sa pagbabayad ng mga employers.

Ayon kay PhilHealth President and CEO Dr. Eduardo P. Banzon, “may tatlong major sections ang nasabing website na siyang pangunahing interes ng ating mga stakeholders. Ito ay ang Members, Corporate Partners at Online Services.” Idinagdag pa niya na “makikita sa itaas na kanang bahagi ng homepage ang corporate news bulletins, advisories at issuances. Sa gawing itaas naman nito ay ang mga sections kagaya ng About Us kung saan makikita ng mga bibisita sa site ang aming corporate profile, at ang Downloads kung saan lahat ng transaction forms ay maaaring ma-download sa aming website.”

Ipinakikita naman ng Members panel ang limang kategorya ng PhilHealth membership. Bawat sub-section nito ay magbibigay ng impormasyon sa mga kuwalipikadong miyembro sa iba’t ibang kategorya, maging ang paraan ng pagrerehistro at mga benepisyong maaaring makamit ng mga miyembro. Bawat sub-section ay nagtataglay rin ng mga karaniwang tanong at sagot sa partikular na kategorya.

Ang Corporate Partners panel naman ay nagpapakita ng mga katuwang ng PhilHealth sa pagpapatupad ng National Health Insurance Program. Kabilang dito ang Health Care Providers, Employers, Collecting Partners at Private Sector Partners.

Ang E-Claims ay isa sa online services na magagamit ng mga accredited institutional providers upang matukoy ang “eligibility status” ng mga miyembro at dependents nito. Ang Institutional Health Care Provider System naman ay makatutulong sa mga ospital upang matiyak kung maaaring maka-avail ng benepisyo ang mga Sponsored Program Members sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).

Para naman sa employers, maaari na nilang ipasa ang report ng kanilang remittances sa pamamagitan ng Electronic Premium Remittance System (EPRS) at magremit ng premium contributions sa E-Payment System. Mapapadali naman ang pagpaparehistro at billing ng organized groups sa pamamagitan ng E-Group System.

Isa pa sa mahalagang bahagi ng bagong website ang Mobile Mapping Service kung saan makikita ang mga lokasyon ng health facilities na mayroong  visualization ng mga corporate data gamit ang mapa. Makikita naman ang mga lokasyon ng PhilHealth Regional at Branch offices sa Office Locations. Kapag na-click ang link agad na makikita ang Google map ng Pilipinas at ang mga lokasyon ng Regional at Branch Offices gamit ang PhilHealth logo bilang simbolo.

Ipinapakita naman ng Googlemap  sa pamamagitan ng Health Facilities Locations, ang mga health facilities na natukoy na ng PhilHealth. Matutulungan rin ng pasilidad na ito ang mga site visitors upang matukoy ang lokasyon ng partikular na health facility sa Google map, maging ang larawan nito. Kaalinsabay nito, maipapakita rin ng PhilHealth GIS Application System (PhilGIS) ang mga statistical data sa accreditation, claims, collections, membership data sa map forms o statistical maps ng bawa’t rehiyon at probinsiya.

 

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.