Bagong US Envoy, Tututok sa Relief Efforts

NASA PILIPINAS si bagong US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg para tutukan ang ginagawang relief at rehabilitation efforts ng Estados Unidos sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Si Goldberg ang papalit sa puwesto ni Amb. Harry Thomas Jr., na nagtapos na ang tour of duty.

Una nang sinabi ng US envoy na mixed emotions ang kanyang nararamdaman sa bagong posisyon, sa gitna na rin ng nagpapatuloy na emergency assistance ng Amerika sa mga biktima ng kalamidad.

Nangako ito sa tuluy-tuloy na pagtulong ng kanilang gobyerno para sa pagbangon ng mga Pinoy sa epekto ng bagyo.

“There should be no doubt that they will bounce back. I have no doubt. And I know that the President and the Secretary are committed to doing everything we can do to help the people of the Philippines make a full recovery and advance in the next stage of the country’s development,” ani Goldberg.

Samantala, sa nangyaring seremoniya sa US State Department’s Treaty Room, tiniyak ni US Secretary of State John Kerry ang tulong ng Estados Unidos sa mga biktima ng bagyo.

“We have heard these calls, we are responding to these calls. We’re cooperating with our friends in Japan and elsewhere, and we’re particularly grateful for the cooperative relationships. But we still need to do more,” giit pa ni Kerry.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.