Bagong Traffic Resolution Para sa Provincial Buses, Nakalilito

NAGDULOT NG kalituhan sa mga pasahero ang pagpapatupad ng Traffic Management Committee Resolution No. 01 na ipinasa ng City Council of Manila noong Hulyo 16 at sinimulang ipatupad kahapon.

May kaugnayan ang naturang resolusyon sa pagbabawal na makapasok ang mga provincial buses sa lungsod.

Lumalabas sa ilalim ng resolusyon na lahat ng bus na manggagaling sa Norte ay dadaan sa A. Bonifacio, kakaliwa sa Aurora Blvd., kakaliwa sa Dimasalang pabalik ng A. Bonifacio.

Ang mga bus naman na magmumula sa Quezon City ay dapat mag-U turn sa Mabuhay Rotonda pabalik ng QC.

Habang ang mga manggagaling San Juan mula Araneta ay dapat kumaliwa sa Ramon Magsaysay, kaliwa sa V. Mapa kaliwa sa Old Sta. Mesa pabalik ng San Juan.

Lahat ng bus na ga-ling south mula Taft ay dapat namang kumanan sa Vito Cruz, kanan sa Estrada, kaliwa sa Zobel Roxas pabalik sa Osmeña Ave.

Ang mga galing naman sa South Luzon Expressway (SLEx) mula Osmeña Highway ay kakanan sa Quirino Avenue, iikot sa Plaza Dilao pabalik sa Osmeña Highway.

Lahat naman ng provincial buses na may terminal sa loob ng siyudad ay papayagang makapasok hanggang terminal ngunit hindi papayagang magbaba ng pasahero sa daan.

Nagresulta ito ng pagkakaroon ng iligal na terminal kung saan nagbababa at nagsasakay ang mga bus.

Samantala, napasugod din si Manila Mayor Joseph Estrada upang alamin ang resulta ng pagpapatupad ng bagong traffic scheme sa Maynila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.