Bagong taon, Bagong Bahay sa Mahihirap na Pamilya

LABIS NA ikinatuwa ng 16 na pamilya sa lungsod ng Navotas ang pagpasok ng Bagong Taon, dahil mula kina Navotas City Representative Tobias M. Tiangco at Mayor John Reynald M. Tiangco, pinagkalooban sila ng bahay sa Tanza Socialized Housing Site sa Barangay Tanza, Navotas City kamakailan.

Sinasabing si Rep. Tiangco ang siyang nakaisip ng naturang proyekto sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang alkalde ng lungsod noon taong 2003 para sa mga Navoteños na nakatira sa mga lugar na parating nahahagupit ng kalamidad.

Ang naturang lupang dating fish pond ay inayos para maging isang class subdivision at magsilbing model community sa Navotas. Ipinagpatuloy ni Mayor Tiangco ang misyon ng kanyang kapatid nang manungkulan ito simula noong 2010.

Ayon sa magkapatid na Tiangco, hindi na maninirahan sa mga kalye o sa mga danger-prone areas ang mga pamilyang mabibiyayaan. Pinayuhan din nila ang mga ito na alagaan ang kanilang magiging bagong ta-hanan at iwanan na ang mga lumang nakagawian upang makapagsimula ng matahimik na buhay.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.