Blind Item: Bagong talent, pumatol sa bakla?!

NATATAWA NA LANG ANG aking gay manager-friend sa “gag order” na ipinataw sa kanya ng artist development arm ng isang TV network, gayong wala naman siyang kaugnayan dito, business-wise.

Ang dahilan:  nasa bahay na pala ng naturang departamento ang isang bagets actor na – hold your breast, este, breath – dati niyang live-in partner!

“Mare, nirecruit na pala ng (pangalan ng talent development division na may initials na hawig sa isang department store) si (pangalan ng boylet na ka-live-in niya dati).  At alam mo ba, mare, tinawagan ako agad ng center, huwag na huwag ko raw itsitsika na pumatol dati sa bading ang bago nilang alaga!  ‘Katawa, ‘di ba?  sey ng manager na feeling Rapunzel sa haba ng hair.

Teka, knows din kaya ng departamentong ‘yon na naging dyowa rin ng manager na ‘yon ang isa sa tatlong boylet from the same TV station na love interest ng isang nagbabata-bataang aktres sa isang teleserye?

By Ronnie Carasco

Previous articleSipat-eklat #142
Next articleBaron Geisler, nagsorry kay William Martinez

No posts to display