Bagong Suspension Memo sa Klase at Trabaho, Inilabas na

UMAASA ANG Palasyo na maiiwasan na ang kalituhan sa kanselasyon ng mga klase at trabaho sa tanggapan ng gobyerno tuwing may bagyo sa bansa.

Ito’y matapos ilabas ang bagong guidelines na aprubado ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Nakapaloob sa Executive Order No.66 ang pagpapatupad ng automatic suspension sa klase at pasok ng gobyerno depende sa storm signal na inilalabas ng PAGASA.

Sa ilalim ng storm signal number 1, suspendido ang pasok ng pre-school sa mga apektadong lugar habang sa signal number 2, walang pasok sa pre-school, elementary at secondary levels.

Kapag signal number 3, walang pasok ang lahat na antas kasama ang tertiary at graduate schools, gayundin sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Mahigpit ang direktiba ng pangulo sa PAGASA na ipalabas ang weather forecast sa pamamagitan ng media nang hindi lalampas sa alas-10 ng gabi at kada alas-4:30 ng madaling-araw kinabukasan, sa mismong araw na pagkakansela ng pasok.

Kung sa hapon ang suspension, dapat mailabas ang pagtaya ng PAGASA bago mag-alas-11 ng umaga.

Sakaling walang storm signal pero maulan o nagkabaha, localized ang suspension sa pamamagitan ng local chief executives.

Sa kabila ng suspension, tuloy naman ang trabaho ng mga ahensyang may kinalaman sa disaster risk and management tulad ng DND, DILG, DOST, DSWD, DoH, DPWH at DepEd. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.