BAGONG SPORTS CARS NI DINGDONG DANTES, REGALO NI P-NOY?!

OLACHIKKA…. BONGACIOUS… Ang inyong Tita Swarding ay hindi lang sa Pilipinas mapapakinggan dahil, in fairness, ang iyong Olachikka ay mapapakinggan na sa Pinoy UK Radio, kasama ko ang aking kaibigan na si Sonny Laragan. ‘Di ba ang taray? Nasa UK na rin ang mga chikka, ang mga pinapa-sabog natin na wala talagang takot ibuking para sa mga kababayan natin sa UK.

In fairness naman, marami ang mga sumuporta nu’ng nag-trial kami yesterday. Naging mystery gay ako do’n, kaya lang ang lola mo, hindi mapigilan bumigay din agad, kasi naman ang mga listeners natin knows na knows nila kung sino ang mystery gay. Wala pang 10 minutes, nahulaan na nila kung sino ang nag-iisang Olachikka  sa showbiz industry!

In na in din ang inyong Tita Swarding sa online streaming dahil meron kaming Pinoy Parrazi Live, ang no. 1 talkshow online. Streaming ‘yan sa flippish.com, puwede n’yo rin akong mapanood d’yan. Kasama ko si Kristine Dera ng Love Radio. Kaya feeling ko sa darating na mga araw, wala nang television, lahat ay nasa online na! Siyempre, hindi pa rin tayo mawawala sa chikka at hindi pa rin mawawala ang kupas hanggat nandito pa rin ako alive and kicking!

NAKAKALOKA ANG BAGONG sasakyan ni Dingdong Dantes, isang sports cars na Corvette na color yellow! Marami kasing naglalabasang chikka na give daw sa kanya ito ni President Noynoy. Ang taray naman!

Bakit naman kasi color yellow? ‘Ayan tuloy, nagagawan ng isyu. Pero ang sagot naman ni Papa Dong, four years na raw sa kanya ito. E, bakit ngayon lang nailabas at naibulgar sa madlang pipol?

Sa palagay kaya ni Papa Dong ay may maniniwala? Hintayin na lang natin kung magre-react si President Noynoy!

BLIND ITEM: SINO ITECH? Ang nakakalokang ‘feeling sila na’ dahil inamin na raw nila sa publiko na sila na. As if naman may kilig factor akong naramdaman sa kanila! Wala talaga! Dahil itong si super yummy actor ay napapabalitang ‘kapatid’ daw – it means mapula din ang hasang. In short, bading si Yummy Actor!

Heto naman si Aktres, kung makikita mo sa hitsura niya, parang nagpe-pretend lang para mapaamin na sila na! ‘Teh, hindi rin naman kayo bagay, kaya ‘wag kang masyadong mag-feeling maganda, ‘di ba?

At kung gusto n’yo ng more chikka, more fun, lagi n’yo kong subaybayan at antabayanan sa aking programa sa DWSS 1494khz, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 hanggang 12:00 ng tanghali. Kasama ang aking anak na si Lady Camille. Subaybayan n’yo rin ako tuwing linggo sa sa DZRH 666khz tuwing linggo 2:30-3:30 ng hapon.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

3 thoughts on “BAGONG SPORTS CARS NI DINGDONG DANTES, REGALO NI P-NOY?!

  1. E ano naman kung binigay yon kay Pinoy? Dingdong campaigned for Pinoy for free, di ba? Yong iba nga doon nagpabayad ng 20 million pesos maski ang binoboto nila hindi maganda ang pangalan at mas corrupt pa!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.