Bagong sistema sa 2016 elections, isinulong

NAGLABAS NG mungkahi ang Commission on Elections (Comelec) sa Kongreso at Palasyo na gumamit na ng direct-recording electronic (DRE) voting machines sa 2016 presidential elections.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na mas sistematiko at mabilis ang ganitong proseso kumpara sa manual at PCOS voting.

Sa kabila ng inaasahang mabilis at magandang resulta, nangangamba ang poll body kung paglalaanan ng pondo ang naturang proyekto.

Nangangailangan ang proyekto ng P60 bilyon, bagay na wala pang katiyakan kung ikokonsidera ng gobyerno.

Matatandaan noong 2013 elections ay kaunti lamang ng pondo ang naipagkaloob sa Comelec, kaya ang ipapatayo sana nilang high rise building ay magiging pitong palapag na lang matapos ipang-abono sa pondo ng eleksyon ang budget para sa pagpapatayo ng gusali.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.