Bagong silang na sanggol, lumutang sa ilog

LUMUTANG SA ILOG ang isang patay na bagong si-lang na sanggol na lalaki sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat, alas-5 ng hapon nang makitang lumulutang ang sanggol sa ilog ng Camarin ng lungsod.

Inakala pa ng mga residente na manyika ang sanggol dahil nakataob ito nang makita.

Nang sungkutin ay saka pa lang nalaman na sanggol ang nakalutang na naging dahilan upang ipaalam sa mga pulis.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis upang alamin kung sino ang nagtapon ng sanggol.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.