Bagong show nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid, nakadidismaya

EXCITED PA man din ako na makita si Megastar Sharon Cuneta at Ogie Alcasid sa bagong show nila last Sunday. Gusto ko sila as a performer at lalo na kay Ogie na isang songwriter.

Pero waley, hindi ako na-impressed sa premier telecast ng show nila noong Linggo ng gabi.

I was expecting that my Sunday will be never the same again with Sharon and Ogie’s show sa istasyon sa Novaliches na malapit sa palengke ng Sauyo na paga-ari ni Manny V. Pangilinan.

But to my dismay, nabigla ako sa sinasabi ng Entertainment Division ng istasyon na bongga ang pagbabalik ni Mega sa kanila.

Tila nagkamali sila. Seeing a tsipipay set na very 80’s in red na tila hiniram sa isang ex-deal store sa natutulog  na tindahan sa may Avenida Rizal na sinamahan pa ng isang cheap water garden on the side, usap-usapan sa Facebook ang opinion ng mga entertainment writer na nadismaya sa palabas.

I love both Sharon and Ogie. I respect their talent pero parang mali na naman ang mga sinasabing creative people ng istayon na inilagay nila sa show.

Una, katsipan ang concept ng headwriter. Mas cheap ang production design na tuloy topic ang “red sofa” na feeling ng mga writer ay hiniram sa Master Showman “Walang Tulugan” ni Kuya Germs (Moreno).

Ang lighting, feeling ko nanonood ako sa PTV 4 na pati ang camera shots ay hindi dinisenyo at pinaghandaan nang mabuti.

In short, I was watching a “new” show pero in reality an old show with just a new title. In short, pinabango na luma at panis ang laman.

Sayang ang guesting ni Charice Pempengco and lover Alyssa. Galing ni Charice. I was expecting na may production number ang mga hosts with Charice.

Sandamakmak ang guest na sayang ang pagkakataon na tuloy nagmukhang musical variety show na ginawang chopsuey ang premiere telecast.

Okey sa amin ang jamming ni Sharon at Ogie. Oks din ang mga trivia na isinisingit nila in between.

Pero tama na ang pag-feature ng mga aspiring singers at sa mga talent competition shows na lang nila isaksak ang gayong segment.

Focus on the talent of Sharon and Ogie and their guest. Enough with cheap creativity. Bigyan n’yo naman ng class, style na aura ang show ng dalawa dahil hindi naman mga basta-basta singer ang dalawa.

Nagtataka lang ako kung pinanood ng “creative team” na utak-bubuli ang show bago nila i-telecast. Malamang ay hindi dahil kung ang mga totoong reviewer o devil’s advocate ng istasyon ni MVP ay magsasalita ng totoo, hindi makapapasa ‘yun sa panlasa ng totoong may malasakit sa palabas.

I’m hoping that my Sunday TV viewing will be different sa darating na Sunday at may pagbabago. Sinasayang nila ang talent nina Sharon at Ogie.

 

KALOKA ANG GMA-7 sa trailer ng bago nilang palabas na pagbibidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Hindi ba napanood man lang ng mga “creative staff” (heto na naman ang mga utak-bubuli) ng Kapuso Network ang mga kalabang shows nila sa Kapamilya Network para masilip kung anong meron ang kabila as part of the spy war sa industriya?

Sa Got To Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernado, nahulugan kunwari ng sala-salabat na mga bakal si Daniel na nag-say ng “sorry po” si Kathryn in a bagets way na tatak very Kathryn.

Sa bagong palabas nina Aljur at Kris, heto’t inulit na naman nila ang the same “peg” of saying sorry.

Sa edad ni Kris na ‘di hamak na mas matanda kaysa kay Kathryn, hindi na bagay sa kanya ang mga ganu’ng linya. Hindi na siya debutante para magpa-cute.

Nangopya na sa dalawang bagets, sablay pa. Kalurkey, huh!

Wala na bang originality at creativity ang mga tao sa industriyang ito  mula sa istasyon ng telebisyon sa may MRT sa Timog at doon sa istasyon na lampas sa palengke ng Sauyo sa Novaliches?

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

40 thoughts on “Bagong show nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid, nakadidismaya

  1. Hey Mr. RK Villanueva,

    Your points are noted. But I see them plainly as a BASHER’s sentiment. I would have agreed with you that there are really some lapses in the show if your feed is written in a good manner (constructive criticism), out of concern for the show and the hosts. Pero halata naman you are just one of TV5’s haters and bashers. Why? Kasi look at your intro pa lang describing TV5 as a network ‘ sa bayan ng Novaliches malapit sa palengke ng Sauyo!’ Oh well, what can we expect you have no respect to the other network din naman kasi, evident by your comparison of the show’s Lighting to PTV 4’s. Saying this with sarcasm I assume,  I pity PTV4 also. And what do you know about creativity? Bad mouthing the creative people behind the shows. Ikaw creative ka na ba niyan sa mundong ginagalawan mo dahil nakapanlait ka? Criticisms are good as long as its done in a constructive manner, not in a demeaning fashion katulad ng style mo. Your feed expresses too much bitterness! Para sayo po ito for all the bitterness that you feel: 
    ‘ Think before you speak is  criticism’s motto. Every human being  is entitled to courtesy and consideration.’ On this note, im giving you respect and consideration kasi alam kong nanlalait ka to the max para kumita ng pera! Good day! Peace! :P 

  2. tama na oa na just let her retire with grace! walang ng ningning. time to babu! no ads…flop and cancellation is next…that’s business! with all her money she should just buy her own network parang oprah kaso flop din kay oprah…!!!

  3. ” Haters are like crickets. Crickets make a lot of noise, you hear it but you
     can’t see them. Then right when you walk by them, they’re quiet. “

  4. Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may Purpose… kay nga sya nilagay ni God doon para makatulong sa company at naniniwala ako na malaki ang magiging contribution nya. Bakit di natin pansinin ang sarili natin bago ang iba. Sharon is an Icon that’s why tinawag sya na Megastar. Bakit lahat naman ng nag na number one  na station ay nang galing sa ibaba bago marating ang itaas. Think of it!

  5. lumipat si Sharon Laos sa ABC 5 dahil hindi na kumikita ang ABS CBN sa kanya. joksak sa raiiting ang talk show niya doon at hindi siya mabigyan-bigyan ng teleserye at pelikula dahil sa SOBRANG KATABAAN NIYA!

    • Sikat pa rin yan pero kung para sa iyo laos na diosmio ilang taon naba si sharon at sinong kasing edad ba ni sharon ang sikat na sikat hanggang ngayon?Ok lang yan kung laos na sya nasa kanya na ang titulong Mega yong ibang kala ninyong sikat hanggang ngayon meron ba?

  6. MY PRAISES FOR ABS-CBN FOR LETTING SHARON GO. THEY KNOW WHEN A CERTAIN ARTIST IS STILL MARKETABLE OR NOT. NAG-IINARTE PA ITONG NEGASTAR NA NGAYON LANG NAGING HAPPY AFTER TWO YEARS SA TV5. TULOY NAHAHAWA SA KANYA YUNG ANAK NYA. TOUGH LUCK MR. MVP.

  7. ano ba naman ang makikita niang bago kay sharon cubeta…bukod sa nakakatamad ciang panoorin…nakakadismaya din ang itsura nia sa sobrang taba buti at nagkasiya pa cia tv frame……hehehe….

    • Kahit mataba sya maganda pa rin at higit sa lahat mayaman at kilala ng buong pilipinas….ikaw kaya magandat mayaman at kilala ba?

  8. Mga sikat na nga kasi si Sharon at Ogie pero sometimes, nakakapagod na rin panoorin ang parehong concept na lang.  Lalo na’t ang daming nagsidatingan na ngayon.  May tinututukan ko pa yong The Ryzza Mae show, hahahaha, super cute at talino ng batang yan.  Ang galing niyang mag host at magtanong sa mga guests nya.  Parang adult na kung mag punch line sa guests.  Saan ba nanggaling ang batang ito at sino ang naka discover nito? 

    • tanga may override na suot si ryzamae di mo ba nahahalata natatakpan palagi ng buhok yung tenga nya kasi suot nya yun earplug at dun nadidikta kay ryza yung mga tanong adlib at sundot na joke

  9. ano ba naman ang creative department ng singko at kapupo walang mga originality hahaha! mga wa wenta ang mga shows dyusko magsara na nga kayo hahaha!

  10. Kaloka ang TV 5 at GMA 7. Walang creativity ang mga sinasabing creative staff nila. Sayanga si Sharon at Ogie. Idol po pa naman sila

  11. dapat kasi sa tv5 at gma yung mga magagaling na production and creative staff ang piratahin at hindi yung mga palaos nang artista.

    • TAMA KA LOLITMAGNA, MASYADO KASI NILANG BINEYBI SI WELLIE KAYA NAUBOS ANG PONDO.
      ABS-CBN PA RIN AKO KAHIT NA SABIHIN NG MGA KAPUS-UTAK NA BILYONES ANG UTANG. HAHAHA!

  12. BOPOL TALAGA TONG MGA ALIPORES NI MANNY PANGILINAN. BINUBUSOG NILA SA TALENT FEE YUNG MGA OVER THE BAKOD ARTISTS NILA PERO PAGDATING SA PRODUCTION NG MGA SHOWS NILA BARYA BARYA LANG ANG BUDGET. KASI FOCUSED LANG KASI SA PAG-PIRATE NG ARTISTA ANG MGA BOPOLS NA YAN AT TAMAD MAG-ISIP. NAKAKAAWA KA MVP. AT THE END OF THE DAY SI MVP ANG PINAKABOBO SA KANILA LAHAT.

  13. Putang inang Gma at tv5 yan! Mga utak puke at pusong burat! Mga gayagaya tang ina nyo talaga! Kayo ang kaputang putang inahan sa lahat!!! Mga byrat!

  14. I like the new show of Sharon & Ogie last Sunday very entertaining at may dating. Tama naman na may mga negative feedback na nasasabi sa show para ma improve pa. And I know na gagawin nila ang best para mapaganda pa ang show. Hope mas marami pang magagaling na singer ang mai guest sa show nila….. God Bless!

  15. Sabi ko na nga ba , masasayang lang ng talent ni Ogie da pogi dyan sa TV5 eh.  Umpisa na pgka laos mo nyan.  Sana d ka na lang umalis sa GMA or sana sa Ebs ka na lang lumipat. Pero sa Tv5 aysus, ala nmn viewers yan. Hindi pa pinapasok ng commercials. 

    • anong pinagpuputak ng butsi mo teh?Eh ano ngayon kung laos na sya mayaman naman eh ikaw kaya mayaman ba?harap harap sa salamin minsan kung may time…..patawa ka.

  16. ALWAYS NAMAN YAN!!! GMA HAS ALWAYS BEEN SECOND TO ABS AND OFCOURSE WILL ALWAYS BETHE COPYCAT DAHIL WALA SILANG ORIGINALITY. AND WITH REGARDS TO SHARON – SHE MADE THE BIGGEST MISTAKE ON TRANSFERRING TO TV5 I BET SHE HAS NOW REALIZED HER MISTAKE. GOOD FOR JUDY ANN SANTOS STILL A KAPAMILYA!!! WHERE ELSE WILL YOU GO TO HAVE LOTS OF ENDORSEMENTS!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.