Bagong Sesyon ng SP sa Bulacan, Binuksan na

IPINAKILALA NA ang bagong mga kasapi ng Ikawalong Sangguniang Panlalawigan kahapon, Hulyo 2, ganap na 1:30 ng hapon sa Bulwagang Senador Benigno S. Aquino Jr., sa Provincial Capitol sa Malolo City, Bulacan.

Sinabi ni Bise-Gob. Daniel Fernando, tagapangulo ng hapag, na ipagpapatuloy nila ang kanilang magandang nasimulan sa nakaraang Ikapitong SP.

“As we bid goodbye to the 7th SP, we can say that it is one of the most historic and filled with significant accomplishments that benefited our fellow Bulakenyos. Nakapagtala tayo ng pinakamaraming pagpupulong sa kasaysayan ng SP. Nakapagpatibay din tayo ng mga ordinansang naglalayong lumutas sa mga suliranin ng mga mamamayan. Kabilang na ito ang pampublikong pagdinig at pagpupulong ng mga lupon na tumatalakay at nag-aaral ng mga nararapat na aksyon sa mga isyu na bumabalot sa lipunan,” ani Fernando.

Inaasahan din na ihahayag ni Gobernador Wilhelmino M. Sy Alvarado ang kanyang “State of the Province Address” (SOPA) at ang kanyang development agenda para sa susunod na tatlong taon.

“From this, the Sangguniang Panlalawigan, for its part, will formulate its own legislative agenda in support to the provincial chief executive’s agenda,” paliwanag ni Fernando.

Idinagdag pa niya na nakatakda ring talakayin ang pagpapatibay sa paiiraling panloob na alituntuning pamamaraan o internal procedures at ang pagpili sa bagong Senior Board Member, Majority Floor Leader at Minority Floor Leader.

“The senior board membership is determined and given to the candidate who garnered the highest percentage of the total vote divided by the number of votes cast for the position in the district concerned, while the majority and minority floor leaders were chosen or appointed by the majority and minority blocks in the Sanggunian,” dagdag pa ng bise gobernador.

Kabilang sa mga mu-ling nahalal sa posisyon at nanatiling kasapi ng SP sina Michael C. Fermin, Felix B. Ople at Therese Cheryll B. Ople ng unang distrito; Enrique V. Dela Cruz, Jr. at Ramon R. Posadas ng ikalawang distrito; Rino V. Castro ng ikatlong distrito; at Enrique A. Delos Santos Jr. at Eulogio C. Sarmiento III ng ikaapat na distrito. Muling nagbabalik si Bokal Ernesto S. Sulit ng ikatlong distrito samantalang bagong kasapi naman si Allan Ray A. Baluyut ng ikaapat na distrito. Muli namang nahalal si Bokal Ariel S. Arceo bilang konsehal ng Guiguinto at siya pa ring tagapangulo ng Liga ng mga Konsehal sa Bulacan, gayundin sina Mark Cholo I. Violago na nananatiling pangulo ng Liga ng mga Barangay at Mark Jerome Anthony Santiago bilang pangulo ng Sangguniang Kabataan Federation.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.