Bagong school building ipinatayo ng Japan sa Caloocan

NAGPASALAMAT SI Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa bansang Japan dahil sa pagbibigay ng mga ito ng bagong two-storey ten-classroom building sa isang pampublikong paaralan sa lungsod.

Sa isinagawang turn-over ceremony noong Miyerkules ng umaga (July 25), pormal na ibinigay ni Japanese Ambassador to the Philippines Toshinao Urabe ang susi ng bagong two-storey ten classroom building kay Department of Education (DepEd) Secretary Armin Luistro at Mayor Echiverri sa ginanap na seremonya sa Maria Clara High School.

Kabilang sa mga dumalo sa pagdiriwang sina Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri, Division School Superintendent Corazon Gonzales, mga guro, estudiyante at mga opisyal ng barangay.

Napag-alaman na nagmula ang pondong ginamit sa pagpapatayo ng bagong school building sa Japan Grant Assistance for Grassroots Human Security Projects sa pangangasiwa pa rin ni Ambassador Urabe.

Ayon kay Mayor Echiverri, isang malaking tulong ang ginawang ito ng Japan government dahil sa pamamagitan nito ay muling madaragdagan ang mga classroom na magagamit ng mga estudyante.

“Nagpapasalamat tayo sa Japan government at ang tulong nilang ito (classroom building) ay tatanawin nating malaking utang na loob dahil malaki ang maitutulong nito sa lalo pang pagpapalago ng ating edukasyon,” sabi pa ni Mayor Recom.

Sinabi pa ni Mayor Echiverri na ang edukasyon ang isa sa kanyang prayoridad kaya’t nang maging alkalde ito noong 2004 ay sinimulan na nito ang malaking pagbabago sa sistema dahilan upang makakuha ng iba’t ibang pagkilala at parangal ang lungsod sa larangan ng edukasyon.

Bukod sa mga naipatayong classroom buildings, isa-isa ring napunan ni Mayor Recom ang mga kakulangan sa mga pampublikong paaralan tulad ng bangko, libro, computer, school supplies at iba pa na labis na nakatulong sa mga mag-aaral.

 

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.