Bagong SALN form, Tuloy Kahit Hinaharang – CSC

NANININDIGAN ANG Civil Service Commission (CSC) sa bagong format ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) para sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Magugunitang pumalag ang ilang kongresista sa nabanggit na SALN format dahil sa paniwalang labag ito sa Konstitusyon at maaring ma-expose ang mga empleyado ng gob-yerno sa harassment.

Nagbabala rin ang mga kongresista na maglabas ng resolusyon na aatas sa CSC na bawiin ang naturang desisyon.

Sinabi kahapon ni CSC chairman Francisco Duque III, na may pinagbabatayang batas ang desisyon ng CSC en banc at kanila itong ipatutupad hangga’t walang pagtutol o

pagharang mula sa korte.

Malaya ang mga kongresista na dumulog sa Korte Suprema na siyang final interpreter ng batas, ani Duque.

Hinihintay rin umano ng CSC ang House resolution bago mag-convene ang CSC en banc para ito’y pag-aralan.

Walang kinalaman ang Corona impeachment trial sa kanilang bagong SALN format dahil noong isang taon pa umano ito napagdesisyunan, paglilinaw ni Duque.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.