Bagong PNP Chief, Itinanggi ang Pagkakaugnay sa Jueteng

PINABULAANAN NI PHILIPPINE National Police Director General Raul Bacalzo noong Huwebes ang pagkakaugnay at pagkakadawit nito sa Jueteng sa presentasyon ni Senador Miriam Defensor-Santiago na isa sa mga nagtataguyod ng kampanya kontra sa nasabing iligal na laro.

Sinabi ni Bacalzo sa kanyang pahayag na nakuha nito ang mataas na puwesto sa PNP dahil na rin sa mga natanggap niyang karangalan at hindi dahil sa malapit ito sa kaninuman.

“On the equation of Senator Santiago, I must say that in my case, my appointment as PNP Chief was not because of my closeness to anybody, much less the DILG Secretary. Therefore, the rest of the equation will not compute,” tugon ni Bacalzo sa “DILG + PNP = Jueteng” ayon sa presentasyon ni Santiago.

Sa naging pahayag ni Santiago sa privilege speech nito sa Senado noong Miyerkules, sinabi ng senadora na mayroong “conspiracy” sa pagitan ng Interior secretary at PNP chief at ang dalawa ang lumalabas na “prime beneficiaries” ng iligal na Jueteng.

Mariing sinabi ni Bacalzo na sa ilalim ng pamamahala nito, hindi nito binigyang-daan ang operasyon ng Jueteng kahit na ang ilan sa mga opisyal ng kapulisan ay sinasabing sangkot sa nabanggit na iligal na laro.

Ipinatupad rin nito ang “one-strike” policy laban sa mga opisyal ng kapulisan na mahuhuling may kinalaman sa operasyon ng Jueteng.

Ipinag-utos ni Bacalzo sa Directorate for Intelligence at sa Directorate for Investigation and Detective Management na ipunin ang lahat ng ebidensiya para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

“We have heard the privilege speech of Senator Miriam Defensor-Santiago and are appreciative of her concern and the effort to bring the information to light,” ani Bacalzo.

“We have the same objective: to rid our country of Jueteng and all other forms of illegal gambling,” dagdag pa nito.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.