Bagong petisyon, inihain sa SC kontra DAP

PANIBAGONG PETISYON laban sa disbursement acceleration program (DAP) ang inihain sa Korte Suprema.

Base sa 29 na pahinang petition for certiorari na inihain ng grupo ng Makabayan, Gabriela at Kabataan party-list, hiniling ng mga ito na magpalabas ng temporary restraining order o preliminary injunction ang Supreme Court (SC) laban sa implementasyon nito.

Maliban sa DAP, pinadedeklara na ring “null and void” ng grupo ang national budget circular no. 541.

Lumalabas na nakasaad sa circular ang pagbawi ng Department of Budget and Management (DBM) sa pondo ng ilang ahensya ng pamahalaan noong 2012 na inilaan sa mga proyektong mabagal ang proseso.

Layunin umano nito na ma-realign ang budget sa iba pang prayoridad ng pamahalaan upang mapalakas ang government spending.

Samantala, kabilang sa mga pinangalanang respondent sa panibagong petisyon ay sina Pangulong Benigno Aquino III, Executive Secretary Paquito Ochoa at DBM Secretary Butch Abad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.