Bagong pasahod sa Bus Drivers, ipinatupad na

 

MAHIGPIT UMANONG i-momonitor ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang pagpapatupad ng bagong compensation scheme para sa mga bus driver at konduktor sa buong bansa, na nagsimula na kahapon.

Ayon kay Labor Sec. Rosalinda Baldoz, mayroong “political will” ang kanyang kagawaran para ipatupad ang Department Order 118-12.

Sa ilalim ng batas, tatanggap na ng buwanang sahod ang mga driver ng bus, alinsunod sa umiiral na minimum salary rate sa kanilang mga rehiyon.

Maliban dito, makikinabang na rin ang mga driver ng mga benipisyo katulad ng holiday pay, rest day, overtime pay, night differential pay at 13th month pay, PhilHealth, SSS, Pag-IBIG at iba pang wage-related benefits.

Dagdag pa rito, maliban sa regular monthly wage, maaari ring tumanggap ng commission salary ang mga tsuper.

Nakapaloob din sa kautusan ang maximum hours na 12 oras para sa pagmamaneho at isang oras na pahinga at kai-langang mayroon nang security of tenure ang mga driver at konduktor sa kanilang kumpanya.

Gagawa umano ng report ang DoLE laban sa mga bus companies na hindi susunod sa nasabing kautusan na siya namang pagbabasehan ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makansela ang kanilang pran-kisa, dagdag pa ni Baldoz.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.